Kabanata 41 Maagang nagising si Julie kaya agad din naman niyang ginayak ang sarili para sa preparation ng kasal ni Cris. Tutulong kasi siya sa paghahanda at aminadong excited siya sa magaganap na beach wedding. Habang abala siya sa paglalagay ng mga desserts sa disposable containers ay napapasulyap siya sa pinto ng kuwarto ni Clayd. Hindi pa kasi ito lumalabas ng kuwarto at kanina pa ito nagkukulong. "Nay, si Clayd po? Nakita niyo ho ba?" tanong niya nang pumasok ang 'nay Martha sa kusina. "Aba'y umalis 'yon. 'Di mo ba napansin?" Umiling naman siya. "Ako na ang bahala rito Julie. Magbihis ka na," anito pa at inagaw ang kanyang ginagawa. "Sige po." "Ay Julie, ito ang isuot mo mamaya. Bigay 'yan ni Cris." "Pero may damit pa naman po akong maisusuot." "Hayaan mo na at baka magtampo p