Kabanata 38 Nang magising si Julie ay parang hinampas ang kanyang ulo dahil sa sobrang sakit. s**t! Tinanghali siya tuloy ng gising dahil sa paglalasing niya kagabi. Kinusot niya ang kanyang mga mata at tuluyang napadilat. Nagitla siya at napaawang ang kanyang bibig. Nakahiga siya sa bisig ng isang lalaki. Yakap pa nito ang kanyang baywang at ang mukha nito ay nakasiksik sa kanyang leeg. At ang pinakamatindi, pareho silang hubad at tanging makapal na kumot lang ang nakabalot. Natampal niya ang kanyang noo! "Hindi! Hindi ako puwedeng pagtaksilan si..." Napatigil siya nang lingunin niya ang lalaki. "Oh god! It's Clayd..." bulong niya. She's not dreaming last night! She's not! f*****g not! Ngayon ay hindi niya alam ang gagawin niya. Paano kung magising ito at pagbintangan siyang nang-akit