Kabanata 36 Habang abala ang 'nay Martha niya sa pagluluto at siya naman ay abala sa paghihiwa ng mga sangkap, bigla namang dumating ang binata. "'Nay, 'yong paborito ko," simpleng wika nito. "Ay oo naman," sang-ayon nito at biglang bumaling sa kanya. "Diyos ko, Julie! Anong nangyari sa mga braso mo ha? Bakit may mga pasa kang bata ka," nag-aalalang tanong ni 'nay Martha sa kanya. Konti niyang nakagat ang kanyang labi at napayuko. "Sa katangahan ko po ito—" Hindi na niya natuloy ang sasabihin dahil bigla siyang hinila ng binata. Dinala siya nito sa kuwarto ng binata. Natigilan siya. Iyong ilan kasi sa mga gamit niya ay naka-display sa kuwarto nito. Nakita niya rin ang kanyang maleta sa ibabaw ng closet nito. He's holding every memory of her. Bahagya siyang nabuhayan ng loob at pag-as