Kabanata 34 Habang tinatanaw na ni Julie ang kabilang bahagi ng Laswitan kung saan naroon ang binata ay parang gusto niyang mapaurong. After one year ay muli niya itong makikita. Naghahalo ang kanyang emosyon. Natatakot siya ng sobra! Nakararamdam na siya ng matinding panlalamig. Nang dumaong ang bangka ay agad siyang napahugot ng malalim na hininga. Nagbayad siya sa bangkero at nagpa-alalay para makababa ng hagdan. Halos nag-aagaw na ang araw at buwan nang makarating siya sa isla. Nilapitan niya ang batang lalaking nagsasalansan ng buhangin sa maliit na laruang balde. "Dong, kaila ka ni Doc. Clayd Erl Villaraza? Naa man daw siya direa nagpuyo," pagtatanong niya sa lenggwaheng bisaya. Head to foot naman siyang tiningnan nito. "Si Doc. Pogi? Hulat sa 'te ha," anito. Bigla itong tumayo a