Kabanata 30 "Julie," ani Clayd. Puno ng galit niya itong tiningnan. "Bakit mo ako niloko Clayd? Bakit ka nagsinungaling? Bakit!? Anong ginawa ko para ganituhin mo 'ko!? Bakit!?" Agad na lumapit sa kanya ang binata. Niyakap siya nito ng mahigpit. "I'm so sorry. Please let me explain." Nagpumiglas siya at nang makawala sa pagkakayakap dito ay agad niya itong sinampal. "Ako lang ba!? Ako lang ba ang walang alam!? Alam ng parents mo, 'di ba? Alam din ng mga kapatid mo! Si Cole! At lahat ng nagtatrabaho sa ospital! Kahit nga mga magulang ko ay alam din ang totoo! Ako lang ang walang alam, 'di ba!? Bakit Clayd!? Bakit!? Kapatid ko 'yon! Mahal na mahal ko 'yon!" aniya habang pinagpapapalo ang dibdib ng binata. Ilang beses din niyang nasamapal ito. Ngunit wala itong kibo at hanggang pag-iyak l