Chapter 39 Agad na napatayo si Lucas ng marinig niyang humiyaw si Lucylyn mula sa kabilang linya. Rinig na rinig niya ang sunod-sunod na putok ng baril. Kinakabahan si Lucas dahil alam niyang may nangyayaring hindi maganda sa dalaga. Ito na nga ba ang sinasabi niya. May mga kalaban sila na naghihintay ng tamang tyempo para sugurin sila. At ngayon na lumabas si Lucylyn ng Mansion niya at hindi pa siya nito kasama, nakahanap ang mga kalaban ng tyempo para umatake. “Where are you?” Malakas na sambit ni Lucas. Nakuha ni Lucas ang atensyon ng lahat ng tao sa loob ng silid kung saan nagaganap ang pagpupulong nila kasama ang ilang underboss niya. Tinitingnan siya ng lahat pero hindi niya iyon binigyan pansin dahil mas kailangan niyang malaman kung nasaan ang babae para agad niya itong mabi