Chapter 27 Sa libing ng matanda ay ilang kilala lamang ang naroroon at um-attend. Nang matapos ang libing ay naiwan sila ni Theo doon. Naaawa na si Lucylyn kay Theo. Simula ng malaman nito ang nangyari at hanggang ngayon ay lagi niya itong nakikita na umiiyak at palaging binabanggit ang pangalan ng matanda. Dahil doon ay hindi niya maiwan ito. She is worried that he might do something stupid or something that will put him in danger. Sa kabilang banda ay walang ka alam-alam si Lucylyn na may isang lalaki na tahimik na nakatingin sa kanila. Nakikiramay. Hindi lumalapit ang lalaki doon dahil tiyak na magtataka si Lucy at Theo kapag nakita ng mga ito ang lalaki. "Come on, Theo. We need to go." Inalalayan niya ang lalaki na tumayo. Hinawakan niya ang mukha nito at tiningnan ito mata sa mat