Chapter 36 When Lucylyn woke up, the other side of the bed was cold. She stretches her arms and finger, she’s looking for Lucas pero tanging ang comforter na lamang ang nahawakan niya. Idinilat ni Lucylyn ang mga mata niya para hanapin ang lalaki ngunit wala na ito sa tabi niya. “Where is he?” Tanong ni Lucylyn sa sarili. Umalis na kaya ito? Almost three days passed. At sa mga araw na lumipas ay laging maagang umaalis si Lucas. Tuwing gigising siya sa umaga ay wala na ito sa tabi niya at kapag darating naman ito ay tulog na siya. Wala siyang ideya kung saan ito nagpupunta o kung ano ang ginagawa nito. Pakiramdam nga niya ay nakakulong siya sa Mansion ni Lucas. Hindi kasi siya pinapalabas ng mga tauhan ni Lucas kaya naman tanging sa loob lamang siya ng Mansion. She’s bored as hell. A