Chapter 9 Dahil may kalayuan din ang byahe nila Lucylyn ay nagpasya sila na kumain muna sa isang mamahalin na restaurant sa mall. Madalang silang pumunta ng mall dahil may kalayuan iyon sa bahay nila at isa pang dahilan ay wala silang pera na kahit pang-window shopping lang ay wala. Pareho din silang busy ni Jeremiah para dayuhin ang mall na malayo sa kanila para lang tumambay. Inilibot ni Lucylyn ang paningin sa buong paligid. She likes the ambiance of the whole place. May pagka-vintage and design ng restaurant na siyang mas lalo niyang nagustuhan. Ganon pa man ay maraming tao sa naturang restaurant at halos couples ang nakikita niya na kumakain doon. “Good morning, Ma’am and Sir. Ano pong order nyo?” Tanong ng waiter sa kanila. Lucylyn opened the menu. Sinuri niya ang mga nakasulat d