Chapter 43 Buhat ni Lucas si Lucylyn pababa ng Mansion. Pinagtitinginan na sila ng mga tauhan ni Lucas at nababasa niya ang kakaibang saya sa mukha ng mga ito. Hindi din nakatakas sa paningin niya ang paghagikgik ng mga babaeng maid ni Lucas na tila kinikilig ang mga ito sa kanilang dalawa. Namula ang magkabilang pisngi ni Lucylyn. Nakakahiya na nakikita sila ng ibang tao na nasa ganoon na posisyon. Hindi siya sanay na nakikita sila ng ibang tao. “Are you blushing?” Lucas asked. At talagang pinakatitigan siya nito. “I am not.” Madiin na sambit niya. Iniwas niya ang tingin para itago ang mukha niyang kasing pula ng kamatis. Grabe! Wala na bang mas nakakahiya pa dito. She heard Lucas chuckled. Just wow! The legendary mafia boss just laugh. Lucas Trudeau laughed! Kailangan na ba niyan