Hindi mapakali si Andrea habang bumibiyahe sila patungo sa mansyon ng mga Wilders. Paulit ulit na nagpe-playback sa kanyang utak ang huling pag uusap nila ng ina ni Steep. "Hey, relax. We're here." sambit ni Steep kay Andrea ng hindi mapansin nito na nasa loob na sila ng parking lot ng mansyon. Lalong lumakas ang kalabog ng dibdib ni Andrea. Napansin ni Steep ang pag aalinlangan sa mga mata ng kanyang asawa kaya dali dali nitong kinuha ang kamay ni Andrea at hinalikan ang likod ng palad noon. "You'll be fine. I'm here, no one can hurt you here." he said with a reassuring smile. "Thanks, I'm just a little nervous, kasi parang feeling ko ito yung first time na ipapakilala ako sa parents. Well, I never had a boyfriend before." dire diretsong sambit ni Andrea. Nanlaki naman ang mga ma