Kate's POV My babies are now nine months old. Kabuwanan ko na. Minsan ay naririnig ko ang heart beats nila. Hindi ko mapigilang mapaluha habang hinahaplos ang tiyan ko. "Oh, come on! Please, huwag kang umiyak. Papangit ka niyan. It's your wedding today so save your tears later. Huwag ka munang umiiyak." pag-aalo sa akin ni Dylan. Hindi naman mapigilang matawa ni Cody kaya tignan ko na lang siya ng masama. Dapat ay matagal na kaming kasal ni Theo. I don't really know actually what happen. Bigla na lang kasing pina-move ni Georgina na hindi namin alam ang dahilan. Sa tingin ko ay alam na nila Tita Sonia at Tito Rodhiro dahil tuwing nababanggit 'yon, wala sila ibang magawa kundi ngumisi at ngumiti. Pinayagan naman nila ang gusto ni Georgina. Gumana na naman ang pagiging manipulative ni Ge

