Kinabukasan... Julia's POV Nagising ako na medyo masakit ang leeg ko. Ewan ko. Parang nangangalay na ewan. Pagkabangon ko ay may napansin ako. Bakit parang nag-iba yata ang damit ko at saka 'yong kumot at unan ko? Iba na kasi ang sheets. Pumasok siguro iyong room service dito. Pero parang hindi, buong araw akong nakahiga at sa pagkakaalam ko. Hindi ako nakapagpalit ng damit simula kahapon. Paano papasok ang room service dito kung hindi ko pagbubuksan ng pinto? Nasagot ang tanong ko nang pumasok ng kwarto ko si Nina. Iyong ka-close kong kapitbahay. Isa nga pala siya sa nakakaalam ng pass code ko. May passcode kasi ang mga pintuan. Nakalagay 'yon sa labas tapos dito sa loob meron namang intercom. Parang may kakaiba kay Nina. Walang ekspresyon ang mukha niya. May problema siguro siya.

