Julia's POV Alas-singko na ng hapon pero kasalukuyan pa rin kaming naglalakad ngayon ni Theo dito sa gubat. Sobrang tahimik at tanging huni lang ng mga ibon ang maririnig. Matataas ang mga puno dito. Para kaming nasa rainforest. Nang tinanong ko kay Theo kanina kung saan kami pupunta ay ngiti lang ang sagot niya sa akin. Mahaba na rin ang nilakad naming dalawa kaya nakaramdam na rin ako ng pagod at pananakit ng paa. "Magpahinga muna tayo dito. Masakit na ang paa ko." Sabi ko at umupo sa bato na medyo malaki at tama lang para upuan. "Sige, diyan ka lang muna. May titignan lang ako." aniya at iniwan ako. "Huwag mo 'kong iwan dito!" sigaw ko sa kaniya pero sinenyasan niya lang ako na saglit lang. Napabuntong-hininga na lang ako at hinilot ang paa kong nananakit. Habang hinihilot ang paa

