Julia's POV
Sa pagtingin ni Theo ay saka ko rin napagtanto na nakatingin ang lahat sa akin kung kaya't napayuko na lamang ako. They are super weird!
"Mr. Theo? Should I throw you out in this class or are you going to introduce yourself?" mapang-asar na sabi ni Ms. Georgina.
Ngayon ay alam ko na. Hindi lang pala antipatiko 'yan si Theo kundi bastos, masungit at mayabang din.
"Kung gusto mo pang pumasok ng klase ko, introduce yourself. Huwag mong sabihin na nanghihina kang magpapakilala," nakangising sabi ni Ms. Georgina at nakipagtagisan ng tingin kay Theo.
I arched my brow while looking at them. Inaasar ata ni Ms. Georgina si Theo.
"Tsk! Fine." asar na sabi ni Theo.
Padabog siyang tumayo at tumingin ng masama kay Georgina.
"I'm f*****g Theodore Valerious who will be the next to own this academy." pagpapakilala niya atsaka umupo.
Agad akong napapanganga dahil sa gulat. Seriously? Siya ang next owner ng Blackwell Academy. Ni wala nga siyang manners at gentledog pa.
Napatingin ako sa mga reaksyon ng classmates ko. Blangko lang ang kanilang ekspresyon at nakikinig. Napanguso ako. Parang ako lang yata ang clueless dito.
KANINA AY SABAY kaming nag-lunch ni Dylan. He's so friendly. Nagkuwento siya sa akin at nagulat ako sa mga nalaman ko.
Ang Valerious family pala ang nagmamay-ari ng Blackwell Academy. Pinsan ni Dylan si Theo na mayabang. Kaya naman pala ang malakas ng apog ni Theo kanina na sagutin ang Ate niyang si Miss Georgina.
Hmp! At parang may balak pa yata ang Theo na 'yon pasakitin ang ulo ko dahil sa ilang beses niya ako binunggo kanina sa canteen. Buti na nga lang at hindi ako nabubuwal sa bawat pagbunggo niya sa akin.
Hindi porket may pagka-cutie siya ay pasado na siyang gawin ang gano'n sa akin o baka hindi lang ako, ang pinagti-tripan niya. Subukan niya lang talaga.
HINDI KO MAIWASANG humikab habang mina-mop ko ang sahig dito sa room 3 ng call center building na 'to.
Napabuntong-hininga ako pagkatapos ay humikab ulit. Inaantok talaga ako pero kailangan kong magtrabaho. Ulila na kasi ako. I live myself.
My parents both died because of car accident sabi ng Tita kong nasa U.S. Hindi dito naninirahan si Tita. Kaya ako lang mag-isa dito sa bansa.
Ngayon, nakatira lang ako sa isang cheap na condo. Niregalo sa akin ni tita ang condo unit niya bago siya umalis para mag-ibang bansa at para daw, atleast, may nakatira pa din kahit mag-isa lang ako.
So, ang problema ko na lang ay ang everyday needs ko at pagkain since fully paid na ni Tita ang condo.
Buti na lang at alas-siyete ng umaga hanggang alas-dose ng tanghali ang class hours ko samantalang alas-singko ng hapon hanggang ala-una ng umaga ang shift ko bilang janitress.
Hindi ko pa rin maiwasang antukin kahit na pinapakinggan ko ang mga paborito kong remix na tutog habang nagma-mop. Napakatahimik din kasi ng lugar at walang katao-tao.
Nang matapos mag-mop, agad akong dumiretso ng upo sa isang tabi saka pinanood ang wall clock. Malapit na. Treinta minutos na lang ay pwede na akong umuwi. Hindi ko na talaga mapigilan ang antok ko kaya sinandal ko na lang ang ulo ko sa pader at natulog ng nakaupo.
KASALUKUYAN akong naglalakad pauwi. Buti na nga lang at may mabait na babaeng call center agent ang gumising sa akin kanina kundi baka hindi ako makapasok sa Blackwell.
Mga ilang kanto na lang at isang eskinita ang dadaanan ko. Pagdaan ko sa madilim na eskinita, bigla akong nakaramdam ng lamig.
Bigla na lang may mabilis na bagay ang bumangga sa akin kaya tumalsik ako sa pader.
"A-aray!" daing ko.
Pakiramdam ko ay may buto akong nabale sa pagkasalpok ko sa pader. Nananakit ang likod at pakiramdam ko ay hindi ako makatayo. Sinubukan kong tumayo pero bigo ako dahil sa biglang pagkirot ng likod ko. Napahikbi na lang ako at tuluyang na akong napasalampak sa malamig na lupa.
What should I do? Umiiyak na ako sa sobrang sakit ng balakang at likod ko nang biglang may sumakal sa akin at isinandal ako sa pader.
"Hmm..." rinig kong ungol galing sa lalakeng inaamoy ang leeg ko.
"Fresh blood running to your veins." He laughed while I keep shaking my head.
"Please, don't." Pagmamakaawa ko pero mas lalo siyang natawa.
"Don't worry. The pain will fade away when you are dead!" mala-demonyong sabi niya habang inaamoy ang leeg ko.
Mas lalo akong napaiyak. Sinubukan ko siyang itulak pero parang balewala lang sa kaniya at mas lalo akong isinandal sa pader. Hindi ko siya makita sa sobrang dilim pero napansin ko ang mata niya.
Ang mapupula niyang mata. Iisa lang ang pumasok sa utak ko kung anong klaseng nilalang ngayon ang nasa harapan ko. Isa siyang bampira.
Alam kong mahilig ako sa vampire stories at minsan na din nangarap na magkaroon ng boyfriend na mala-Edward Cullen pero alam kong hindi totoo ang mga bampira.
Napansin kong ibinuka niya ang kaniyang bibig at unti-unting lumapit sa leeg ko. God, he's gonna kill me.
"Please help." pimpit kong sigaw bago naramdaman ang dalawang bagay na bumaon sa leeg ko.
It his fangs. I shouted because of the excruciating pain. I feel draining. He keep sucking my blood until I couldn't see anything that happening. I feel weak and... dying.
Until I heard something. Agad akong napamulat nang biglang mawala ang bampira. Muli akong napasalampak sa lupa. Nanghihina at nanlalabo na ang paningin ko ngunit pinipilit kong hindi mawalan ng malay.
"Argh!" I heard something breaking.
"f**k you!" sigaw ng isang lalaki. May binubugbog ito, ang lalaking bampira.
Nakasandal ang bampira sa pader na halos malapit na mawasak dahil sa paulit-ulit na pagsuntok ng tao na animo'y gusto nitong mabasag ang ulo ng lalakeng bampira.
Pero walang taong may ganoong lakas, na halos makasira na ng pader. Maaring isa rin itong...
Nagulat ako sa mga sumunod na pangyayari. Nang manghina na 'yong lalaking bampira ay bigla na lang inikot ng taong 'yon ang ulo ng lalaking bampira pagkatapos ay hinugot ito mula sa katawan nito. Sumirit at umagos ang dugo mula sa katawan at ulo nito sa lupa.
Tinitigan ko ang lalaking nagligtas sa akin habang nakatalikod siya at hawak pa rin ang ulo ng bampira. Nasa medyo madilim na bahagi siya ng eskinita. Nang humarap siya sa direksyon ko ay hindi ko mapigilang magulat.
Matingkad ang mapupula niyang mata.
Puno na ng luha ang mata ko at pagod na pagod na din ako pero titig pa rin ako sa mga matang 'yon ng nagligtas sa akin.
Mga ilang sandali ang lumipas nang maramdaman kong nahilo ako. Naisara na ang mata ko sa pinaghalong pagod at sakit ng katawan ko pero concious pa rin ako sa nangyayari sa paligid ko.
Seconds passed. I felt my body being carried by someone. I felt protected by that someone who is carrying me.
Someone I don't know. Someone I don't know but a vampire who saved me.
Georgina's POV
Napangiti ako sa nakita ko. She really is something. Parang nakalimutan ni Theo ang kasunduan dahil sa ginawa ng bampirang 'yon kay Julia.
"Na-naputol niya ang kasunduan!" natatarantang sabi ng katabi kong si Dylan.
Tumingin ako sa kaniya. "Don't worry. Everything will be okay. We just need to follow it. Makisabay na lang tayo sa mangyayari."
Tumango-tango na lang si Dylan sa sinabi ko at muling tinignan sila Theo mula dito sa ika-sampung palapag ng building.
Kung nagawa niyang mabali ang kasunduan, then tama talaga ang mangyayari.
Napangisi ako dahil sa naisip ko.