Kinabukasan… Julia's POV Mamayang hapon ay babalik na kami. Masyado na akong maraming alam tungkol sa mundo ni Theo. I can absorb things about his world now. Isa ako sa mga babaeng napakaswerte dahil na rin ang boyfriend ko ay pinaglalaban ako. Tanggap na ako ng family ni Theo maliban kay Cody. Hindi ko pa siya nakakausap at naayos ang lahat. Alam kong ayaw niya sa akin dahil isa akong mortal pero parang may iba pang dahilan. Ramdam ko sa sinabi niya sa akin nang mag-away kami. Napabuntong-hininga na lang ako. Nandito ako ngayon sa silid kung saan una akong dinala ni Theo para simulan ang mga gusto kong malaman. Kasama ko siya ngayon. Actually pumunta lang kami dito para kumuha ng mga libro na gusto kong basahin. Well, I like history kaya mostly history books ang kinukuha ko. "Prince

