Theo’s POV Agad akong napabangon nang maramdaman kong wala na si Kate sa tabi ko. Napatayo ako at nagbihis saka lumabas ng kwarto. Napatigil ako nang makita ang triplets sa sala. "Daddy!" nakangiting sabi ni Trixie at tumakbo papunta sa akin. Binuhat ko si Trixie at lumapit kanila Kurt at Tristan. "Good morning my babies. Nakita niyo ba ang mommy niyo?" tanong ko at umupo sa gitna nila Kurt at Tristan. "Hindi po, Dad. Pero pupunta po dito si Tito Dylan. Ito po, Dad. Pinabibigay ni Tito Dylan. Suotin mo po daw sabi niya." Inabot sa akin ni Kurt ang isang bag. Napakunot ako ng noo ng makita ko ang laman ng bag. Bakit ako magsusuot nito? Anong okasyon? Napatigil ako nang maalala ko ang sinasabi ni Kate. "Happy 5th Anniversary, my love." It's March 25th today. Unti-unti, parang may m

