Julia's POV Nandito na ulit kami sa kuwarto ni Theo. Hindi ko mapigilang mapangiti habang naaalala ang nangyari kagabi at kahapon ng umaga. Parang nakalimutan ko ang lahat ng mga bagay na pinoproblema ko. "Ano na naman ang iniisip mo, my Princess?" Sabi ni Theo na bihis na. Napatulala ako sa ayos niya. Simple lang pero parang ang guwapo niya tignan. "Wa-wala." sabi ko at umiwas ng tingin. Mygosh! Bakit kasi ang gwapo ng boyfriend ko? Hindi ko mapigilang mapatulala. "Guwapo ko diba? Nag-mukha akong prinsipe?" sabi niya at kinindatan ako. "O-oo na lang. Psh!" Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa pumasok siya ulit sa banyo at pagkalabas niya ay may dala na siyang damit din. "Suotin mo yan. Babagay yan sayo." Sabi niya at inabot sa akin iyon. "A-ano? Kailangan pa ba 'to sa luga

