Chapter 38 "Kailan ka naman babalik, aber?" tanong ni Vanya habang inaabangan namin ang pagdating ng susunod na train. I am bound to Zurich again. Tinatawagan na ako ni Lola Valerie at pinapauwi dahil masiyado na raw akong nagtatagal dito sa Lauterbrunnen. Ayaw ko man ay ayokong suwayin si Lola. She can be really strict sometimes, lalo pa ngayong may edad na talaga siya. Ngumiwi ako sa kaibigan. "Hindi pa nga ako nakakaalis, pagbalik na kaagad ang tinatanong mo. At saka, puno naman na refrigerator at cabinet mo, ah?" Bahagya niya akong hinampas sa braso. "Gaga! Siyempre mamimiss na naman kita. Mamaya niyan matagal na ulit bago ka makabalik dito." "Wala pa akong balak umuwi ng Pinas, Vanya. Baka nga next week lang ay narito na ulit ako. You know how I easily I get bored when I'm in Z