Chapter 31 Binagalan ko ang pagmamaneho ng aking sasakyan sa kabila ng kaalamang wala namang traffic at maluwag ang kalsada. Daig ko pa ang nagmamaneho ng karo ng patay dahil sa sobrang bagal ko. I was looking at the view ahead of me, listening to some metallic music while mind floating like a fat balloon. Dalawang araw na ang nakakalipas simula nung mamagitan sa amin ni Zadriel ang nakakawindang na usapan na 'yon, kung saan sinabi niyang mahal niya ako. At hanggang ngayon ay hindi ko pa rin magawang utusan ang isip ko na huwag nang balik-balikan iyon. It's such a damn distraction! Nung unang beses niyang sabihin na gusto niya ako, nagawa ko iyong baliwalain dahil marami naman ang ibig sabihin ng salitang iyon. He could like me for the pleasure I was giving him or simply because he lik