TIMOTHY'S POV "BRYAN CRUZ?" Nakakunot pa ang noo ni Brix nang sabihin ko sa kanya ang lalaking nagkakagusto kay Arianne. Pumunta kami ni Arianne sa mansyon ni Jacob at ngayon ay magkasama kaming tatlo at umiinom ng alak. Sina Arianne at nasa kusina at kumakain habang nagkwentuhan. Binuga ko ang usok ng sigarilyo. "Yes, Bryan Cruz." Mabilis na hinanap ni Brix ang mukha ni Bryan Cruz sa kanyang social media account. "Hmm… mas guwapo siya kaysa sa 'yo." Pang-asar na tumawa si Brix. Tinitigan ko siya ng masama. "Are you blind?" Inis kong tanong. "Bayaw, 'wag mong galitin si Timothy," saad ni Jacob. "I'm just kidding. Guwapo ka naman kaysa sa kanya mukha siyang kumain ng hangin kaya naipon sa katawan, pero 'di hamak na mas guwapo ka sa kanya." "Can I kill him?" Tumawa ang dalawa sa ta

