Jacob… Mariin kong ipikit ang mga mata ko habang tumutugon sa halik niya. Parang may kuryente sa buo kong katawan nang muli kong malasap ang halik niya. Naramdaman kong mas lalo niyang hinigpitan ang higpit ng yakap niya sa akin kaya mas lalo akong nawala sa sarili. Unti-unti kasi akong nakakaramdam ng init sa buo kong katawan. Ang kuryenteng dumadaloy sa buo kong katawan ay nagbibigay ng kilig sa akin. Biglang huminto si Jacob at tinitigan ako. "No, mali 'tong ginagawa ko." Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at tumalikod siya. Nataranta ako sa ginawa niya. "Jacob!" Tatawagin ko sana siya ngunit bigla siyang tumakbo. Sinundan ko siya para kausapin pero hinarang ako ni Brix. Seryoso siyang nakatingin sa akin. "Sasayangin mo ba ang sinimulan mong pagtitiis?" "Pero si Jacob… iniisip n