"No way!" wika ni Brix nang sabihin ni Timothy na kasali siya na sasayaw sa gender reveal ng anak namin. Tumingin sa akin si Timothy. "See… ginawa ko na ang lahat pero ayaw talaga nilang sumali sa kalokohan n'yo. Huwag mo na lang akong pasayawin," wika ni Timothy. Una namin pinuntahan si Brix, para kausapin pero tulad ng inaasahan ko ay hindi siya pumayag. "Brix, sasali ka kung ayaw mong iwan ka namin ng anak mo," wika ni Trixie. "Babylove, hindi ako bakla para sumayaw ng nakasuot ng damit panmbabae. Okay na sana yung sasayaw 'wag lang nakasuot ng damit pambabae," wika ni Brix. "Anong nakakahiya? Ngayon mo lang naman gagawin 'yan. Hindi ka ba nahihiya kay Arianne? Ngayon lang siya nakiusap sa 'yo, tapos hindi mo pagbibigyan," saad ni Trixie. "Babylove, mukha akong tanga kapag gano'n

