"Ferdinand?" Natatawa na sabi ni Timothy. Mabuti na lang at nakapagbihis na ako ng damit kung hindi ay baka nakita rin ako ni Timothy na walang suot na bra. Tumingin ako kay Jacob at Ferdinand. Parang nagpapatayan na silang dalawa sa isip nila habang nakatingin sila sa isa't-isa. Kung titingnan mo silang dalawa. Mas mukhang matanda na ang itsura ni Ferdinand kay Jacob, samantalang matanda si Jacob sa kanya. Lumapit si Timothy kay Ferdinand at tinapik ang balikat nito ng dalawang beses. "Dinalaw mo ba ang uncle mo o si Laura?" tanong ni Timothy. Matalim na tumingin si Ferdinand at tinulak si Timothy, saka umalis." "Anong problema niya?" Inis na tanong Timothy. "Bakit nandito ka?" tanong ni Jacob "Kukuha lang ako ng meryenda." "Huwag kang umalis, Laura. Kailangan mong marinig ang sa