AMELIA’S POV "BAKIT ka nandito?" nakataas ang kilay ni Atasha nang buksan niya ang pinto. Karga niya ang bagong silang niyang anak. "Huwag kang mag-alala hindi ako magtatagal. Gusto lang kitang makausap," "Tungkol saan? Ate, tahimik na ang buhay ko 'wag mong guluhin." “Bigyan mo naman ako ng konting oras para makausap ka. Hindi ako manggugulo.” “Muntik mo na akong patayin.” Matalim na tingin ni Atasha. Huminga ako ng malalim at seryosong tumingin sa kanya. "Gusto kong humingi ng tawad sa iyo. Alam kong kahit anong gawin ko ay hindi na maibabalik ang dati." “Ate Amelia, pinili kong magbago at ituwid ang buhay ko sana ikaw rin.” “Huli na ang lahat dahil marami na akong ginawang masama. Ang gusto ko lang ngayon ay patayin si Laura, kahit buhay ko ang kapalit.” "Ate, sumuko ka na.”