JACOB'S POV: "SIR Jacob." Nakayukong sabi ng isa sa katulong ko sa mansyon. Salubong na agad ang kanang kilay ko habang nakatingin sa kanya. "What?" irita kong sabi. "Sir Jacob, tumatawag po sa inyo ang security guard sa main gate. Pinapatanong kung kilala n'yo si Kate Evangelista? Nasa main gate po siya. Mas lalong nagsalubong ang kilay ko. Ang babae na iyon sa bar. Ilang-beses niya akong kinukulit na ituloy ang naudlot noong lasing ako. Kung hindi lang dumating si Ben ang dating butler ko na ngayon ay doktor na. Laking pasasalamat ko sa kanya dahil kung hindi siya dumating ay baka nagkaroon ako ng kasalanan sa asawa ko. "Pakisabi wala akong kilalang Kate. 'Wag na rin silang mag-entertain ng kung sino-sino dahil wala akong gustong kausapin." Sunod-sunod ang naging tango. "Yes, sir