"HELLO! miss Laura, my name is Iskaia, Miss Gellie's personal assistant, I'm here to pick you up," sabi ng babae na sumalubong sa akin nang nasa eroplano na ako. Bago ako umalis. Sinabi sa akin ni mama na sa bahay ng kaibigan niya ako pansamantalang tutuloy. Sinabi rin niya kung sino ang magsusundo sa akin. May picture din sa akin ipinakita kaya hindi ako maaaring magkamali. Ngumiti ako. "Thank you, Iskaia." "You're welcome, follow me, miss Laura." Hinila niya ang maleta ko hanggang makasakay kami sa kotse. Hindi naman bago sa akin ang lugar na ito kaya hindi naman ako maloloko kung sakali. "Miss Laura, you are a Filipino, right?" tanong niya. Nasa loob na kami ng kotse at binabagtas namin ang daan papunta sa bahay kung saan ako pansamantalang titira. "Yes, why?" Huminga siya ng ma