"Baby, bakit hindi ka bumabangon diyan sa kama mo?" tanong ni Ferdinand sa akin.
Nakatalukbong ako ng kumot at pinipilit kong matulog kahit kagigising ko lang. Hindi ako kumibo kaya inalis niya ang makapal na kumot sa katawan ko.
"Bakit mo inalis natutulog ako!" irita kong sagot.
Nakasuot siya ng puting long sleeve polo at black pants. Bumagay sa kanya ang maliit na bilong na hikaw sa tainga niya. Siguradong maraming hahabol ng tingin kay Ferdinand kapag nakita siya.
"Ayokong lumabas!" inis kong sagot.
"Tanggapin mo na lang ang katotohanan na ikakasal na ang Daddy mo."
Iyon ang dahilan kung bakit nagkukulong ako sa kuwarto ko. Ngayon gabi ang bisperas ng kasal ni Daddy, kaya ngayon pa lang ay marami ng mga tao. Ayokong lumabas dahil makikita ko silang lahat.
"Ayokong makisaya sa kanila kung gusto mo ay ikaw na lang."
Bumutong-hininga si Ferdinand at pinagmasdan ang mukha ko. "Gusto mo ba na samahan kita rito buong magdamag?" Sabay kindat niya sa akin.
Namula ang mukha ko lalo nang maramdaman ko ang kamay niyang hinihimas ang hita ko.
Tumayo ako. "Maliligo lang ako." Dumiretso ako sa banyo.
"Gusto mo ba samahan kitang maligo!" sigaw ni Ferdinand.
"Kaya kong maligo mag-isa. Lumabas ka ng kuwarto ko!" sigaw ko.
"Okay, see you later."
Narinig ko tumunog ang pinto ng silid ko. Lumabas ako para mag-double lock, at saka ko pinagpatuloy ang paliligo.
Ang bigat ng pakiramdam ko ngayon dahil ikakasal na si Daddy. Hindi ko pa rin matanggap na mabilis niyang pinalitan si Mommy. Ayokong makisaya sa kanila at kahit kailan hindi ako magiging masaya.
Sinadya kong magtagal sa banyo dahil ayoko agad lumabas para makipag-plastikan sa kanilang lahat.
Nagsuot ako ng itim na damit at black eyeglasses nang lumabas ako. Paglabas ko ng silid ay dumiretso ako sa venue kung saan dinaos ito sa malawak na bakuran mansyon. Paglabas ko ay napansin kong nakatingin sa akin ang mga tao sa paligid ko. Nakita ko si Daddy at Conchita na sumasayaw sa gitna habang sinasabitan sila ng pera ng mga bisita nila.
"Laura?"
Napawi ang ngiti ko nang makilala kong ang tumawag sa akin.
"Bakit?" Nakataas ang kilay kong tanong kay Atasha.
Kung itim ang suot kong dami siya naman ay nakasuot ng puting gown na kumikinang kapag tinamaan ng liwanag. Ang kapag din ng makeup niya kasing kapal mukha niya.
"Bakit ganyan ang suot mo? Para kang nagluluksa?" Pinagmasdan niya ako mula ulo hanggang paa.
"Nagluluksa pa talaga ako dahil kakamatay pa lang ni Mommy, wala pa nga siyang forty days." Sinadya kong pagdiinin ang pagkamatay ni Mommy, baka sakaling magkaroon ng konting hiya.
"Oh, sareeh!" Sabay ikot ng eyeballs niya.
Siniko niya ako nang lampasan niya ako.
Tinanaw ko lang si Atasha na lumapit kay Conchita at Daddy. Tumingin sa kinaroroonan ko si Daddy kaya nagkatitigan kaming dalawa.
Halos patayin ako ng tingin ni Daddy ay kung walang mga bisita baka nilapitan niya ako at sinampal. Madalas na niyang sinasaktan lalo ngayon lalo, mas pinaniniwalaan niya ang dalawang anak ni Conchita sa akin. Siguro kung hindi sa akin pinamana ni Mommy ang kayamanan niya ay baka sa kalsada ako pupulutin ngayon.
Hinanap ko ang boyfriend kong si Ferdinand dahil siya lang ang makakausap ko ngayon.
"Nasaan na kaya siya?" Kanina ko pa siya tinatawagan ngunit hindi niya sinagot ang tawag ko.
Pumunta ako sa may garden at umupo sa gilid habang may hawak akong champagne. Ang sakit na kasi ng paa ko sa paghahanap kay Ferdinand.
"Bakit hindi mo ako bigyan ng isang pagkakataon na ipakita sa iyo ang katapat ko."
Nakatingin ako sa dalawang lalaki na nag-uusap. Nakatalikod sa akin ang matangkad na lalaki habang ang isa naman ay parang nammumukhaan ko.
"Sorry, Ben, but I don't want a fool like you working for me. We will stop working with your firm starting tomorrow."
Tama siya 'Yung Ben na kausap ni Daddy noong isang araw.
"Mr. Del Monte, give me a chance."
"We don't have anything to talk about, so goodbye."
Paglingon ng lalaki ay bigla kaming nagkatitigan dalawa kaya umiwas ako ng tingin sa kanya.
"Teka? Siya 'yon lalaki na nagpabayad ng two million sa kotse niya." Lumingon ako para sundan siya. Sa isang iglap ay nabawasan ng dalawang milyon ang laman ng banko. Ang akala ko pa naman hindi niya ako sisingilin dahil hinagis lang niya ang cheka na binigay ko sa kanya.
"Nasaan na kaya ang lalaki na iyon?" Nasa dulo na ako ng mansyon malapit sa dulo ng bakod namin."
"Are you looking for me, Miss black lady?"
Nilingon ko iyon at nakita ko siyang nagbubuga ng usok ng sigarilyo sa mga halaman ni Mommy. Madilim ang kinatatayuan niya kaya hindi ako lumapit sa kanya.
"Yes, you! Give me back my two million pesos!" sigaw ko siya.
"Tsk! The two million pesos you paid is still not enough. Kulang na kulang sa naging damage sa kotse ko."
"Masyado naman mahal ang kotse mo."
"Yes, mas mahal pa sa buhay mo."
Bigla akong nakaramdam ng takot kaya umatras ako sa kanya ngunit bigla naman akong nadulas sa bato.
"Aray!"
"Are you okay?"
Wala ka man lang mababasa na reaksyon sa kanya.
Tumayo ako para umalis ngunit naramdaman ko naman ang pulikat.
Kapag inumpisahan talaga ng kamalas sunod-sunod na.
Lumapit siya at yumuko habang nakatingin sa akin. "You need my help?"
Tumango ako habang namimilipit sa sakit ng binti ko.
"Say, please!"
Huminga ako ng malalim. "Please, help me."
"Okay." Binuhat niya ako hanggang sa may upuan. "Ten thousand." Nilahad niya ang kamay niya sa harap ko.
"Anong ten thousand?"
"Wala ng libre sa mundo ngayon. Tinulungan kitang buhatin kaya kailangan mo akong bayaran."
"What? Paano naging tulong kung magbabayad ako?" Inis kong sagot.
"Nang tulungan kita na buhatin walang bayad iyon pero dahil dinala kita rito may bayad na iyon."
Mas nadagdagan ang galit ko ngayon dahil sa lalaki. "Wala akong cash."
"Nagkibit-balikat siya. "Okay, may utang ka sa akin na ten thousand." Sabay talikod niya sa akin.
Nanggigigil ako habang nakatanaw sa lalaki. Siya na yata ang nakilala kong lalaki na sobrang sungit at walang modo.
"Lahat yata ng mga bisita ni Daddy at ni Conchita sa kasal nila ay pareho nila ng ugali."
Nang mawala ang pulikat ko ay bumalik na ako sa silid ko. Hindi na ako lumapit nang tawagin ng emcee ang pangalan ko para magsabit ng pera sa kanila. Kahit saktan ako ni Daddy ay hindi ko siya susundin. Hindi ko kayang magpanggap na masaya para sa kanilang dalawa.
KINABUKASAN ay nagising ako sa kalabog ng pinto ng silid ko kaya napilitan akong buksan ito. Nakita ko si Daddy na galit na galit.
"Bakit, Dad?" Walang gana kong sagot sa kanya.
"Gusto mo ba talaga akong ipahiya?" Lumalabas na ang ugat niya sa leeg sa sobrang galit sa akin.
"Ano naman ba ang ginawa kong masama?"
Dinuro niya ako. "Ngayon ang araw ng kasal ko kaya 'wag mong susubukan na hindi pumunta sa simbahan."
"Puwede naman sigurong wala ako sa simbahan. Hindi naman ako kailangan doon."
"Sinusubukan mo ba ako?!"
Sinalubong ko ang tingin niya ngunit ako rin ang unang sumuko. "Magbibihis na ako."
"Bilisan mo dahil may mag-aayos sa iyo." Tumalikod si Daddy at umalis.
Bagsak ang balikat ko na bumalik sa kama at humiga. Gusto kong uminit ang ulo nila sa akin sa kahihintay. Pagkalipas ng sampung minuto ay naligo na ako at nagbihis ng damit. Hindi ko sinuot ang gown ng mga abay dahil mas gusto kong magsuot ng kulay itim na gown.
"Bakit ganyan ang suot?" tanong ni Conchita.
Kitang-kita ko ang galit sa mukha niya nang makita nila akong nakasuot ng itim gown.
"Nagluluksa pa ako sa pagkamatay ng Mommy."
Pinandilatan ako ng mata ni Conchita. "Huwag mong sirain ang kasal ko?"
Lumapit ako sa kanya na halos isang dangkal ang pagitan ng mukha namin. "Hindi ko naman sisirain. Hindi ko naman gagayahin ang ginawa mong pagsira sa pamilya ko."
"Aray!" Napahawak ako sa buhok ko.
Bigla kasing may humila ng buhok ko papunta sa loob ng malaking bahay namin. Nang makita ko ay si Daddy. Nakasuot na siya ng damit niya sa kasal. Galit na galit siya nang salubungin ko ang tingin niya.
"Daddy! Nasasaktan ako!" sigaw ko.
Ipinasok niya ako sa bakanteng kuwarto.
"Ang tigas talaga ng ulo!" Sabay sampal niya sa akin ng dalawang beses.
Feeling ko ay tumabingi ang mukha mo sa ginawa niya sa akin. "Sinabi ko sa iyo 'wag mo akong ipapahiya!" Sinuntok niya ako. At tinulak.
Tumama ang noo ko sa kanto ng kama. Kumuha siya ng tali at itinali niya ako sa kama. "Ayaw mong makinig sa akin! Diyan ka hanggang sa matapos ang kasal!"
Umiyak ako ng malakas sa sampal niya. Idagdag pa ang maninikip ng Hininga ko dahil sa tiyan kong namimilipit sa sakit.
"D-Daddy! Pakiusap 'wag mo akong ikulong."
Ngunit hindi niya ako pinakinggan. Ni-lock niya ang kuwarto at umalis ito. Umiyak ako ng malakas at sumigaw para humingi ng tulong. Ngunit kahit siguro marinig ako ng kasambahay namin ay hindi nila tutulungan. Siguradong palalayasin sila kapag tinulungan nila ako..
"Mommy!" Wala akong ibang nagawa kung hindi ang tawagin si Mommy.
Siguro iisipin ng iba na nasisiraan na ako ng bait dahil lagi kong kinakausap si Mommy kahit wala na ito. Ito lang kasi ang paraan ko para mawala ang bigat na nararamdaman ko. Pakiramdam ko kasi ay mag-isa lang ako ngayon.
Umiyak ako hanggang sa makatulog ako.
"Senyorita!" Senyorita!"
Dinilat ko ang mga mata ko nang marinig kong tinatawag ako ng katulong namin. Bumangon ako at nakita kong nakahiga ako sa sahig sa tapat ng hagdan. Nakasuot pa ako ng itim na gown?"
"Paano ako nakarating dito?"
Kanina bago ako matulog ay nakatali at nakakulong sa kuwarto.
"Iyon nga rin po ang itatanong ko sa inyo. Bakit kayo dito natutulog? Lasing po ba kayo?"
"Dumating na ba sila Daddy?" tanong ko.
Inisip ko na baka nilabas ako ni Daddy dahil tapos na ang kasal nila.
"Nasa simbahan pa sila."
"Ha?" takang tanong ko.
"Tumayo na po kayo diyan at kumain."
"Anong nangyari kanina bago mo ako nakita.
"Nagkaroon po ng power interruption kanina mga sampung minuto ang tinagal, pagkatapos nakita ko po kayo na nakahiga sa sahig."
Tumayo ako para makita ang cctv camera pero wala akong nakita.
"Sino kaya ang tumulong sa akin?" Ayokong umasa pero parang may tumulong sa akin para makalabas.
Nang wala akong makuhang sagot ay nagkulong na lang ako sa kuwarto ko. Tinatawagan ko si Ferdinand ngunit ayaw niyang sagutin. Um-attend kasi siya ng kasal ni Daddy kaya alam kong nandito siya. Narinig kong dumating na ang bagong kasal at nagkakasayahan sila sa labas. Nagbihis ako ng crop top na blouse, maong shorts at jacket. Dinala ko rin ang sumbrero ko para hindi makilala kung sakaling may makakita sa akin. Pupunta ako sa puntod ni Mommy at doon ako magpapalipas ng oras. Hindi ko kayang makisaya sa kanila dahil umpisa pa lang ay tutol ako sa kanila.
INAASAHAN kong tapos ng party ng kasal nila Daddy dahil anim na oras akong wala sa bahay. Pagkatapos kong dalawin si Mommy ay pumunta ako sa Mall para magpalipas ng oras at libangin ang sarili.
"Where have you been, stepsister? Nakataas ang kilay ni Amelian nang salungin.
Tinaasan ko siya ng kilay. "The hell you care!" Nilampasan ko siya.
"May pakialam ako dahil legal na ang pagiging stepsister natin."
Humarap ako sa kanya at sabay taas ng kilay. "So?"
"You'll follow me."
Pang-asar akong tumawa. "In your dreams."
Muli akong humakbang palayo sa kanya. Kahit ilang beses magpakasal ang Daddy ko at Mommy niya. Hinding-hindi ako susunod sa gusto ni Amelia.
Bago ako makarating sa kuwarto kon ay narinig kong nag-uusap si Conchita at Daddy.
"Alfredo, minahal mo ba ang dati mong asawa na si Divina?" tanong ni Conchita.
Huminto ako at sinadal ko ang likod ko sa dingding katabi ng pinto na bahagyang nakabukas o sinadyang buksan para marinig ko ang pinag-uusapan nila.
"Si Divina lang ang patay na patay sa akin. Napilitan akong magpakasal sa kanya dahil sa kagustuhan ng magulang ko. Hindi ko siya minahal kahit kailan."
Kung hindi mo siya mahal bakit nagkaroon pa kayo ng anak?"
"Kailangan naming magkaanak para ibigay sa akin ang pangangalaga sa negosyo nilang Real estate. Ikaw ang mahal ko Conchita."
Tinakpan ko ang bibig ko lalo nang halikan ni Daddy si Conchita. Tumakbo ako papunta sa kuwarto. Galit ang nararamdaman ko ngayon sa para kay Conchita at Daddy, samantalang awa naman para kay Mommy.