JACOB’S POV “Naniniwala ka ba sa sinabi ng lalaking iyon?” tanong ni Timothy sa akin. Muli kong tinungga ang alak bago ako tumingin kay Timothy. “May tiwala ako kay Laura.” “Nakakainis ang lalaki na ‘yon ang sarap niyang sapakin. Hanggat nandito siya ay hindi ako matutulog dito dahil baka mainis ako sa pagmumukha niya.” “Timothy, sino kaya ang tinutukoy ni Brix?” Pag-iiba ko ng usapan namin. Seryoso siyang tumingin sa akin. “Mukhang kilala ko ang tinutukoy niya.” Tumingin ako sa kanya. “Sino?” “Si Trixie.” Kinuyom ko ang kamao ko. “Sigurado ka ba diyan?” Nagkibit-balikat siya sa akin. “Hindi ako sigurado pero siya lang ang taong nakilala natin bago mangyari ang pagsunog.” “Alam mo may punto si Brix, kailangan talagang suriin ang mga taong nakapaligid sa iyo para malaman mo kun