"BAKIT ganyan ang itsura ng mukha mo?" tanong ni Devon sa akin. Nagsumbong na ang wedding makeup artist ko dahil kanina pa nila inaayos ang makeup ko. Hindi ako umiiyak pero nakasimangot ako at kung minsan ay sinasadya kong burahin ang liptick ko o blush on. "Bakit? Ang ganda kaya mukha akong aswang," sagot ko. Nameywang sa akin si Devon. "Hihintayin mo bang puntahan ka rito ng magulang mo? Umayos ka Arianne, araw ng kasal mo ngayon." Tinitigan ko ng matalim si Devon. Simula ng iligtas ni Timothy ang boyfriend niya at ang relasyon nilang dalawa ay naging mabait na siya kay Timothy. "Bakit parang excited ka pa sa kasal ako?" "Hindi ako excited gusto ko lang maging maayos ka sa kasal mo. Hindi mo na nga gusto ang kasal mo gagawin mo pang katawa-tawa ang sarili mo? Sa tingin mo kung gan

