"Oh, bakit nandito ka pa?" natatawang sabi sa akin ni Brix. Sumimangot ako. "May asungot sa kumpanya kaya nainis ako." Pinagmasdan ko siya. May dala kasi siyang maleta at halata sa itsura niya na may lakad siya. "Saan ka pupunta?" "Ang akala ko ay uuwi ka na sa asawa mo kaya naisip kong magbakasyon sa ibang lugar dito sa Pilipinas. Pupunta ako sa Siargao kasama ang dati kong mga kaibigan." Sabay ngiti niya. "Alam na ba 'yan ni tito Roco at mommy?" tanong ko. Tumawa si Brix. Hindi na ako bata, sissy, but anyway, I told them I was going on vacation. Don't worry, alam na nila ang bakasyon ko at siyempre update rin kita sa bakasyon ko. "Mag-ingat ka rito, okay." Tinapik niya ako sa balikat. "Good luck and enjoy, ma-miss ka namin." Pilyo siyang ngumiti. "Tawagan mo ang asawa mo at sab