NAKATAAS ang kanang kilay ko habang nakatingin kay Jacob. Naka-de-kwatro siyang nakaupo kahit ang tanging nagsisilbing takip lang niya ang puting kumot. Abala siyang nakikipag-usap sa phone, at kung sino-sinong pangalan ang narinig ko sa kanya, samantalang ako ay nakahiga sa kama habang nakabalot ng puting kumot. Hindi ko mabasa ang nilalaman ng isip niya dahil masyado siyang seryoso at hindi uso ang ngumiti l, malayong- malayo siya kapag tulog. Namula ang mukha ko kapag naalala ko ang ginawa ko sa kanya habang wala siyang malay. Ninakaw ko siya ng halik kung minsan ay naglalakad ako ng walang saplot. "Ang gunggong isang linggo na pa lang gising," bulong ko. "Bakit mo ako tinitigan? You want more?" Lumunok ako at mabilis na umiling. "No! I'm tired." Seryoso ang tingin niya sa akin.