ACHILLES POV. "Babe! Please wag mo 'kong iwan. Hindi ko kaya!" "Aki, Sorry. Sorry pero kaylangan ko itong gawin, sana maintidihan mo ako." "Babe!! Babe! " habol hininga kong hiyaw. Naramdaman ko na lamang ang mga palad na marahang tumatapik-tapik sa pisngi ko, kung kaya't agad kong naidilat ang maga mata. "Aki? Aki.. gising, Nananaginip ka." untag niya. Kapwa kaming nakahiga parin sa kama ng lingunin ko si Leighyana. "Babe?!" usal ko at mabilis s'yang niyakap. "Babe, ayokong mawala ka pa sakin, dito ka lang please.." "T-teka, Aki naiipit na si Baby," namulagat ang mga mata ko nang maalala na maumbok na pala ang tiyan niya. Marahan akong lumayo sa pag-kakayakap at agad na hinawakan ang bilugang t'yan. "Ayos ka lang ba?" muli niyang saad sa malumanay na boses. "Ano ba ang nangyayar