Leighyana's POV Nagising ako ng wala ng katabi sa kama. Naka hubad parin ako at tanging makapal na kumot lamang ang nag-tatakip sa katawan ko. Halos hindi ko magalaw ang buong katawan dahil sa pananakit. Ilang beses niya akong inangkin kagabi hindi lang Dalawang beses, kundi Apat na beses. Kahit anong pag-mamakaawa ko ay tila bingi ito sa mga hinaing ko. Gusto kong sumigaw at umiyak ng umiyak ngunit ubos na ang boses ko at tila natuyo na ang mga luha. pagod na pagod na akong mag maka-awa.. Pilit akong bumangon at tinungo ang banyo.. hinayaan kong mabasa ang buong katawan, pakiramdam ko ang dumi-dumi ko na! Napatingin ako sa braso, bakas parin ang mga pasa na natamo ko noong una akong angkinin ni Aki. Bumaba ang mga tingin ko sa dib-dib, at halos mapuno ito ng mga pulang marka. Ngunit til