Chapter 5

2062 Words
Achilles' Pov "Where the hell are you guys!?" Kunot-noo kong tanong sa kabilang linya. Tinawagan ako nila kyron, Janos at Rafa. Magkikita-kita kami ngayon sa kakabukas lang na Bar na pag mamay-ari ni kyron. At isa pa, kaka-uwi lang kasi ni Janos from London. Kaya ito, kahit tambak pa ang mga paper works ko sa opisina ay isinatabi ko muna. Hindi rin kasi ako tatantanan ng mga 'yon hangat hindi ako mapapayag. "Calm down dude!" Halos pasigaw na tugon nito sa kabilang linya. Naririnig ko pa ang mga tawanan nito at ang malakas na tugtog. "Nasa Cubao lang ito. Katabi ng Club Amorens-" "Wait! Hello!? What the f*ck!" Basta nalang ba ako babaan ng tawag? Ano daw? Club? Akala ko ba Bar ang pinatayo nito? Seryoso ba siya? Lihim itong pinagawa ni kyron, To surprise us. Wow! Kaya ito, nag-kakanda ligaw-ligaw na ako. Wala naman akong nagawa kaya pinag-patuloy ko nalang ang pag-hanap. Bawat strito ay dinadaanan ko, Makita lang yang lintek na Club dito sa Cubao. Dahan- dahan lamang ang pag-patakbo ko ng kotse at ang mga mata ko naman ay palipat-lipat sa bawat madadaanan kong building. Bigla akong may naalala ng makita ang Simbahan, ngunit nilagpasan ko na ito at pinagpatuloy ang paghahanap ng Club. At sa di kalayuan ay natanaw ko ang naturang Club. "There you are! Pinahirapan mo pa ako." Agad kong ginarahe ang kotse sa tabi. Pag labas ko ng kotse. mga Babaeng maiiksi ang mga damit ang una kong nakikita. Halos makipag lampungan na ang mga ito sa mga lalaking kausap. 'Seriously? Dito ba talaga sila kyron?' Naningkit ang mga mata ko ng Tingalain ang building na ito ng may dalawang palapag. Umiilaw-ilaw pa ang karatula nito. Hinakbang ko na ang mga paa pautungo sa loob ng Club. "Hi Sir, pogi." Bati sa'kin ng isang Babaeng mapula ang labi at halos luluwa na ang kaluluwa nito dahil sa litaw na ang dib-dib. Suot nito ang tube at maiksin skirt. Dinaan ko lang ito at di na pinansin. "Suplado!" Bulalas nito. Hindi ko na nilingon pa ito at patuloy sa pag hakbang sa loob. Pagkarating ko sa loob. Napa kunot ang noo ko nang makita ang disenyo ng club na ito. Ano ba naman 'to? Sino ba ang Designer ng lokong 'yun? Wala man lang ka taste-taste. May mangilan-ilan na nag iinuman. Pero diba, maingay kanina nung tumawag ako kay kyron? Bakit dito tanging gitarista at isang vocalist lang ang meron sa stage? Pinag patuloy ko ang pag lakad at sinisipat ang bawat mesang madaanan na may nag-iinuman. Pero wala sila. Dali-dali kong kinuha ang phone sa bulsa ko at nag dial. "Dude! Nandito na ako. Asan kayo?" Nailayo ko ang phone ng halos sumigaw ito. Napalingon lingon ako pero wala akong nakikitang kyron! Tsaka,bakit maingay sa kinaroroonan nila? "Dude nandito ako sa labas. asan ka?" tugon nito. "Nandito sa loob ng Club na sinasabi mo." "What?" Humalak-hak pa ito sa sinabi ko. Kumunot naman ang noo ko bago tumugon, "Hey! What's funny?" "We're here at the front of that Club, dude!" "O! sh*t! Sabi ko na nga ba. Ok fine I'll go there." Binaba ko na ang tawag. Napa buntong hininga na lang ako bago humakbang. Malapit na ako sa pinto ng may madaanan akong mga tao sa isang mesa. Tila lasing na itong Lalaki na sinampal ng Babae. Hawak ng Lalaki ang braso ng Babae na pilit na nag pupumiglas. Na alarma ako dahil tumayo itong Lalaki at akmang sasampalin ang Babae. Kaya agad akong pumagitna sa kanila. At mabilis kong napigilan ang pag lipad ng mga palad nito. Lumaki pa ang mga mata ng Lalaki ng mahawakan ko ang pala pulsuhan nito. "Tarantado! Wag kang maki-alam!" Salubong ang kilay ko at pinaningkitan ito ng mata. Nagtangis ang panga ko, sa gigil na nanararamdaman. "Baka gusto mo ng matulog Tanda?" "Ulol-" Natigil ito at natumba sa sahig ng patikimin ko ng kamao. Nag-si lapitan naman ang mga bouncer at kinuha ito. Marahan kong nilingon ang Babaemg nasa likod ko. Na ngayon ay para bang na estatwa na tumitig sa mga mata ko. "Be careful nextime." Tinalikuran ko na ito at tinungo ang labas. *** "Dude! Where have you been?" Natatawang lintaya ni Kyron. "Where have you been mo, mukha mo! Kung sinabi mo lang na sa harap ng Club na yan ang kinaroroonan niyo, edi sana hindi ako naligaw!" Nagtaas pa ito ng dalawang palad tila sumusuko, "Fine, fine I'm sorry. Tara sa loob." Turo nito sa pinto ng Bar. Napa-iling nalang ako sa tinuran niya. Kaya nauna na akong humakbang patungo sa loob. Malakas na tugtog ang sumalubong sakin. At agad kong natanaw ang mga nag-sasayawan sa dance floor. Naalibad-baran ako sa ingay. Kaya ayokong nag pupunta ng Bar. Mas gusto ko pang uminom nalang sa office. Kesa dito sakit sa ulo ang malalakas na tugtog. "Hey Dude! Long time no see. Kamusta?" Bati sakin ni Janos. Tumayo ito mula sa kinauupuan at inakap ako (bro. hug you know?) "I'm good. Mabuti naman at naisipan mo pang umuwi ng pinas." Sarkastikong tugon ko. Umupo ako sa sa sofa na naka paikot dito sa pwesto namin sa VIP room. Inabutan ako ni Rafa ng glass na may lamang nakaka lasing na inumin. "Alam mo ikaw, kung hindi pa umuwi itong si Janos, hindi kana nakikipag sabayan sa'min. Dinaig mo pa ang may asawa't anak kung kumayod." Nagtatampong wika ni Raffa. "Pasensya na Dude, kaylangan ko lang asekasohin ang kumpanya ni Dad." "So kamusta kayo ni Cindy? I heard, you two are already engaged." Saad ni Janos. Sinimsim ko muna ang basong may alak bago tumugon. "Were good. But she's not yet ready for a wedding. Alam mo na, tungkol sa trabaho parin ang iniisip n'ya. Ini-enjoy nalang muna namin ang samahan bilang mag-kasintahan." Napansin kong nag-ka tinginan si Rafa at Kyron, "Hoy, ano nanaman yang mga tinginan n'yo?" "Paano kasi, panay trabaho ka rin, instead you pursuing her" "For our future din naman ang ginagawa ko. Mas okay na yung parehas kaming handa, di mas masaya 'yon?" paliwanag ko. "Pano ka nga pala napunta sa kabilang Club?" Pag-iibang topic ni Janos. "Balak niya ata mag take-out ng ulam" Sabat ni Kyron. At nag tawanan pa ang mga ito. "Shut up!" Natatawa kong saway kay Kyron Na ngayon ay abot tenga ang tawa. "Pero kung gusto mo. Lumipat tayo dun. I heard, there is a nakedness happening every twelve o'clock in that Club." Tinataas-taas pa nito ang kilay habang tinutugon sakin. "F*ck you! No way!" Nag tawanan kami pagka tapos kong sabihin ito. This is how we talk to each other, since we were kids. Kyron is the craziest in our circle. Dahil sa sinabi nito. Biglang pumasok sa isip ko yung Babae kanina. There seemed to be something strange in her eyes. Pero agad ko itong inalis sa isip ko. I'm engaged Man. Isa pa, Siguro nagagandahan la’ng ako sa mga mata niya. Sh*t what I'm thinking about?! "Cheers!!" sigaw ni Kyron. "Cheers!" sabay-sabay na tugon namin ni Raffa, at Janos. "Naalala n'yo pa ba dati? Nung nasa High school pa tayo?!" natatawang tanong ni Raffa. "Alin dun? Ang dami kaya nating kalokohan noon." taas kilay na tugon ni Janos. "Sa Condo ni Kyron, remember?" Sabay kaming nag-tawanan ng maalala ang kaganapang 'yon. "F*ck you Dude! Wag mo ng ipaalala, dahil virgin pa ako nun!" "Oo, nga Raff, wag mo ng ipaalala sa kanya, na ang Babae pa ang nag turo kung paano ipasok ang alaga nya sa kweba! " sabat ni Janos, na ngayon ay abot tenga ang halak-hak. "Tingnan n'yo, mula nun ay magaling na s'ya pag-dating sa S*x." bulalas ko. Ngunit wala silang reaksyon sa sinabi ko. Nasa-akin lahat ang mga tingin nila. "Nag-salita ang hindi virg*n!" untag ni Kyron. Sabay-sabay ulit kaming nag-tawanan. "Stop it! Ky. I don't wan't to remember that stupid thing!" "Ang alin? Yung napalakas ng ungol mo dahil first time mo?" pang-aasar na turan ni Kyron. Hinding-hindi ko, makakalimutan 'yon dahil may video akong nakatago." dugtong pa nito. "Shut-up! Dude! Nakaka-diri!" Sabay-sabay pang nagtawanan silang tatlo. Sa totoo lang, namimis ko yung ganitong samahan. Yung puro tawa, at walang problemang inaalala. Lumipas ang ang ilang oras at nag-ka ayaan ng umuwi ang mga kaybigan ko. Ganito kami, hindi kami gaanong nag papalasing. Basta nakita namin ang isa't isa masaya na kami. "Bukas sa bahay tayo. Wag kayong mawawala ha!" wika ni Raffa. Sumakay na ang mga ito sa kanya-kanyang sasakyan at tinanaw ko lamang sila, na papalayo. Kinuha ko na ang car remote key sa bulsa ko. Pipindutin ko na sana ito ng muling masagi sa paningin ko ang naturang Club. May kung anong nag- tulak sakin at bumalik sa sa loob nito. Pagka-pasok ko sa loob, Tumayo lamang ako sa gilid. May kadiliman sa kinatatayuan ko kaya di gaanong mapapansin. Tanging ibat-ibang kulay ng dancing lights lang ang nag sisilbing liwanag dito sa loob. iginala ko ang mga mata at May kung sinong hinahanap. And there she is. Seating in the chair while yawning. Naka all in black ang suot nito at naka pusod ang buhok. Tumayo siya at kina usap ang Babae na nasa Counter. At di nag tagal ay humakbang na ito papasok sa looban ng Club. Hangang sa mawala na ito sa paningin ko. 'O Men Aki! What the hell are you doing?!' usig ko sa sarili. Lumabas na ako at nagpasya ng umuwi. Nang makasakay ako ng kotse. Agad ko itong pina-sibat. Mabuti nalang at wala ng gaanong sasakyan sa kahabaan ng Edsa. Kaya mabilis ko lang narating ang bahay namin sa isang Subdivision dito sa Makati. "Good evening Sir" Sumaludo pa itong Security pag- kapasok ko ng Subdivision. Bumusina lamang ako at pinag patuloy ko na ang pag-maneho. Nang marating ko ang bahay. Madilim ito tanging ilaw lamang sa may Gate ang meron. Biglang bumukas ang gate at Sinilip ko mula loob ang Security ng bahay namin. "Manong Jan. Wala ba si Mommy?" Napakamot pa ito sa ulo bago tumugon. "Naku po Sir. Kanina pa ayaw mag-pa awat. Kanina pa umiinom." "What?! Bakit hindi n'yo ako tinawagan?" Kunot-noo kong lintaya. Nag-kakamot ito ulo habang tumutugon, "Sir tatawagan sana namin kayo, pero binantaan kami ni Senyora na tatangalin sa trabaho." Nilagpasan ko na ito at agad ginarahe ang Kotse. Mabilis kong tinungo ang daan patungo sa loob ng bahay. At ganun na nga ang nadatnan ko. Tinutungga ni Mommy ang basong may lamang alak. Halatang lango na ito. "Senyora. Tama na po. Hindi n'yo na po kaya." Inaagaw ni Manang Ason dito ang baso ngunit ayaw ibigay ni Mommy. Agad ko silang nilapitan sa wine bar. "Can you plish stop Ashon! I'm enjoying, can't you shi?! come lets have some fun!" Muntik pa itong malaglag sa kina uupuan ng awatin si Mamang. Kaya halos takbuhin ko na ito para masalo. "Mom! What are you doing? Manang kunin n'yo na po lahat ng mga yan." turo ko sa mga naka kalat na tunaw na ice at bote ng alak. Binuhat ko na s'ya paakyat sa kwarto nito. Tumatawa pa ito habang may mga luha sa mata. "Manang. Paki dalahan ako ng malamig na tubig sa maliit na plangana. Samahan nyo na din po ng bimpo." Utos ko dito. At agad namang tumugon si Manang. Nang maiihiga ko na si Mommy sa kama nito. Ay bigla itong humaguhol. "I hate you Enrico! I gave everything you need. But still not enough for you! Kahit konti lang. Konting pag-mamahal lamang sapat na para sakin. I hate you!" halos tamaan ako ng mga kamay nito kaya Niyakap ko ito dahil sa awang naramdaman. Labis akong nasasaktan sa tuwing nakikita ko itong nahihirapan. We are a good family example for others. But they do not know the truth. Our sweet smiles in front of them, has a broken family behind those smiles pretending to be happy. "Sir, nandito na po ang plangana at bimpo." untag ni Manang. Inilapag lamang nito sa side table bago lumabas ng kwarto. Sinimulan ko na ang pag- punas dito, ngunit biglang tumunog ang cellphone na nasa bulsa nito.. kaya agad kong kinuha at sinagot. "Madam. Nasa Club po ang asawa n'yo kasama n'ya ulit ang Babae n'ya." Pinatay ko na agad ang linya at naikuyom ko ang mga kamao. 'How dare you Dad!' Tumayo ako at lumabas ng kwarto. Mabilis kong tinawagan ang Tauhan ko. "Hello.. may ipapagawa ako sayo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD