SOMEONE'S POV Matapos mag-bigay ng impormasyon ang isang tauhan ni Abby, ay agad niyang pinuntahan si Leighyana, sa Z TOWER. dito niya nakumpirma na totoong nag-sasama na si Achilles at Leighyana. At lalo siyang na windang nang malaman niya na may mga anak ito. "No!! Hindi pwede! Hindi ako makakapayag na ipagpalit niya ako sa babaeng 'yon!" umiiyak na wika ni Abby. Halos lahat ng mahawakan niyang gamit sa loob ng bahay ay hinahagis niya. Ni hindi siya nag-papaawat sa mga kasambahay. "Abby?! " lintaya ni Mrs. Criselda, na kadarating lamang. Laking gulat nito nang makita niya si Abby na nag-wawala. Mabilis na pag-hakbang ang ginawa niya ng nilapitan si Abby. "Abby, please calm down!" "I want to kill that woman! Siya ang sisira sa pangarap ko na magkaroon ng masayang pamilya!" halos