Leigyhana's P.O.V.) "Bababa ako! Buksan n'yo itong pinto!" nag-wawala kong asik sa harap nito. Ngunit hindi man lang niya ako pinakingan. "Let's go!" Maiksing utos nito sa driver. "Teka! Sandali!" Akmang aabutin ko ang driver upang pigilan, pero pinaharurot na nito ang sasakyan. Napa-sandal ako sa upuan, at napa-kapit dahil sa tulin ng takbo nito. "Tss! b***h!" naka abrisyete pa ito ng mag-salita. Nilingon ko ito, at nag-salubong ang mga kilay ko sa narinig mula dito. Pero pilit kong kinalma ang sarili. Ano pa nga ba ang tingin nito sa'kin, kundi bayarang Babae, Maruming Babae. Pare-pareho lang silang lahat! Kaya pinapanindigan ko na ang mga iniisip nila tungkol sa'kin. Marumi man ako, ngunit alam ko sa pan-labas lamang ito. Alam ko sa sarili na malinis parin akong Baba