SOMEONE'S POV Nag-kagulo ang lugar ng Zambales nang may bumagsak na eroplano sa isang lib-lib na lugar. Puno ng takot ang bawat mamamayan nang makita at marinig nila ang malakas na pag-bagsak ng eroplano. At dahil malayo sa kabihasnan, ay Nahirapan silang humingi ng tulong upang agad masaklolohan ang mga pasahero nito. "Inay, nabalitaan niyo ho ba ang trahedya sa karatig bayan?" sambit ng binatang si Lorenzo. Nakatirik ang bahay ng mga ito sa gitna ng maliit na isla ng Talisayen San antonio. "Nanung trahedya ing sasabyan mo?" (Anong trahedya ang sinasabi mo?) Natigil sa pag huhugas ngplato si Aling Rosa nang marinig ang sinabi ng Anak. "Hindi nyo po ba narinig yung malakas na pagbasak at tila sumabog kahapon? Tsk! Nakaka-awa po ang mga sakay non. Ang balita ay nadala na sa hosp