Leighyana's P.O.V) Mausok, maingay, at patay-sindi ang mga ilaw. Ito na ang nakasanayan ko gabi-gabi. Ang sumayaw sa gitna ng entablado. Sa harap ng mga kalalakihan. Sipol dito, sipol doon. Hiyaw dito, hiyaw doon. Ganun lagi sa tuwing mag-huhubad ako sa kanilang harapan. Tanging maskara, bra, at panty lamang ang naka tabing sa katawan ko. "Lena! akin ka nalang" Sigaw ng lalaking mataba, na naka-upo sa dulong bahagi sa loob nitong club. "Ul*l! Akin yan. Diba bebe Lena?" Tugon ng isang Lalaki na naka ngisi. Naka upo ito sa tapat ng stage. Binabasa pa nito ang labi at napapakagat. Isa lang yan sa mga naririnig ko, mula sa mga Lalaking nag-papantasya sa'kin. Bastos man sa ilan, pero sakin abante ito. Kumbaga hakot fans. Para mas umingay ang pangalan ko. Lalo na sa mga bilyonaryong