Chapter 1

1319 Words
Charlie’s POV Nagising ako dahil sa sunod-sunod na katok pintuan ng aking silid. Nang tumingin ako sa lumang orasan ay pasado alas sais na ng umaga. “Charlie, gising na! Mag-almusal ka na at magtatrabaho na tayo!” Mabilis pa sa kabayo na bumangon ako. Gising na pala ang Uncle Richie ko. Sigurado akong naghihintay na siya may mesa. “Magandang umaga, Uncle.” Napangiwi ako nang makita ang inihain ng bagong asawa ni Uncle. Tuyo, sardinas na may pechay. Masarap naman. Kaso araw-araw na lang, e. “O, kumain ka na. Nag-effort pa si Auntie mo dyan,” anang Uncle niya. “Opo.” Wala naman siyang karapatan na mag-reklamo. “Kapag nagawa natin ulit ngayon ang ginawa natin nitong mga nakaraan, makakabayad na tayo ng malaki sa pinagkakautangan natin,” bungad ni Uncle nang maupo ako sa upuan. Nagsisimula nang mag-ingay ang mga kobyertos noon. Nagkautang kami ng malaki dahil sa Nanay ko na kapatid niyang namatay. inoperahan kasi ito dahil sa breast cancer kaso may ibang kumplikasyon pa pala. Inutang pa namin ni Uncle ang pera para sa operasyon pero hindi rin gumaling si Nanay. Kaya kailangan kong pagtrabahuhan din iyon. Mabuti nga at tinutulungan ako ni Uncle. Pagkatapos kumain, naligo na ako. Nakaligo na si Uncle kaya ako na lang ang hinihintay talaga. Sa Quiapo ang lugar na pupuntahan namin. Isang sakay lang mula sa amin. Sa Caloocan kami nakatira pero sa Manila kami naghahanapbuhay. Napakamot ako sa ulo. Hanapbuhay daw, o. Sa totoo lang, hindi naman matino ang hanapbuhay namin ni Uncle. Magnanakaw kami. Kahit na ayoko, wala akong magagawa dahil iyon ang pinakamabilis at instant na hanapbuhay sa part namin. Papalabas ako ng silid ko nang maulalingan ang mag-asawa na nag-uusap. “Araw-araw na lang nag-alala ako sa inyong dalawa. Hindi ko alam kung makakauwi kayo o hindi.” “Hayaan mo, mahal, kapag tiba-tiba ang nakuha namin ngayon, titigil naman na kami.” “Sus! Ilang beses ko nang narinig ‘yan, Richie!” Totoo naman, ilang beses na. Halos araw-araw nga yata nasasabi ‘yan ni Uncle kay Auntie Minda. “Nanghinayang ako sa pamangkin mo, sa totoo lang. Pwede naman sa club ng kaibigan mo, e. Naipasok mo nga ako, kaya bakit hindi ang pamangkin mo?” Kita ko ang pagkatigil ni Uncle. Mukhang nag-isip nga. “Sigurado akong magiging star siya roon sa ganda at sexy niyang ‘yan. Saka malakas ka naman doon, ‘di ba? Pwede siya hanggang table lang kung pakikiusapan mo ang kaibigan mo.” “Eh ‘di, dalawa na kayong nagtatrabaho doon?” “Ganoon talaga ang mangyayari. At least, hindi makukulong ang pamangkin mo kapag nagkahulihan. Gusto mo bang mabulok siya sa bilangguan? Hindi na siya bata, Richie. Makukong talaga ‘yan. Sige ka.” Napalabi ako sa mga narinig. May punto naman si Auntie. Pero kaya ko bang magtrabaho sa club? Tahimik si Uncle habang nasa jeep kami. Bumaba kami ng Carriedo, parang wala pa rin siya sa sarili. “U-Uncle,” tawag ko sa kanya. Nilingon niya ako. “Ano ‘yon, Charlie?” “N-narinig ko kayo ni Auntie kanina.” Natigilan siya. “Kung ano ho sa tingin niyo ang tama, gawin niyo po. Utang na loob ko na sa inyo ang buhay ko noon pa man.” “C-Charlie…” “Ayos lang po talaga ako, Uncle, sa magiging desisyon niyo.” Hindi naman ako nakapagtapos ng pag-aaral kaya wala akong makuhang trabaho. Nagkasakit pa si Nanay kaya hindi matuloy-tuloy ang pag-aaral ko. “Sigurado ka ba talaga, Charlie?” “Opo.” Matamis na ngiti pa ang iginawad ko sa kanya. “Sige. Mamaya, sasabihin ko ang desisyon ko. Sa ngayon, magtrabaho muna tayo.” Pumuwesto na kami ni Uncle para simulang magmasid-masid kung sino ang nanakawan namin. May mga mayayamang nagpupunta rin naman dito para magsimba, at sila ang inaabangan namin. Mahigit isang oras na kami roon pero wala kaming makita. Puro simpleng tao lang. “Sila ang target natin, Charlie.” Tumingin ako sa nginuso ng Tiyuhin. Napaawang ako ng labi ng makita ang babaeng pababa. Sobrang ganda niya. Para siyang Dyosa. Pero ang lalong nagpatigil sa akin ang lalaking umalay sa kanya. Ang lalaking iyon na yata ang pinakagwapo sa paningin ko. Ang tindig niya. Ang ayos niya at ang aura niya, dream man ko! Bilyonaryo na bilyonaryo! Isang sana all na naman ang nasabi ko sa isipan ko. “Ang gwapo naman ng kasama niya Uncle!” “Ay, tigilan mo ako sa pagganyan mo, Charlie! Siya ang puntirya natin!” “Aw. Pwede bang iba na lang, Uncle?” “Anong oras na, o! Baka abutin tayo ng hapon dito, ni isa, wala man lang tayong nakuhaan!” Wala naman akong nagawa. Ang couple na iyon ang target ng mga sandaling iyon. Habang papalapit ako sa kanila, may nahagip akong isang mayamang babae. Nakita ko kung saan niya inilagay ang wallet niya kaya umiba ako ng daan at iyon ang nabiktima ko. Nagawa kong kunin ang wallet niya na hindi niya namamalayan. Wala ring nakakita dahil sa maraming tao, abala sila sa mga paninda sa paligid. Ang buong akala ko, sa akin nakasunod si Uncle, hindi pala. Talagang tinuloy niya ang ginawa. Dati rati, maingat lang niyang nagagawa ang paghablot sa alahas ng kung sino man, pero ngayon, hindi niya nagawa nang maayos. May bodyguard pala ang mga ito sa malayo. Kaya nahuli siya at dinala sa malapit na prisinto. Gustuhin ko mang samahan si Unclez kaso baka madamay ako. Hinintay kong umalis ang couple sa prisinto bago ako pumasok. Agad na itiuro nila sa akin si Uncle na noo’y nakaupo sa sahig na sapo ang ulo. “U-Uncle…” Nag-angat siya nang tingin sa akin na nakangiti. “Bakit ka pa pumunta rito, Charlie? Umalis ka na. Balikan mo si Auntie mo.” “Ayoko… Hindi kita iiwan, Uncle.” “Parang hindi ka pa sanay sa ganito, Charlie. Sige na, umuwi ka na at sabihin mo sa Auntie mo ang nangyari sa akin, alam na niya ang gagawin niya…” Tama! Baka makatulong si Auntie! Baka may naitabing pera pampiyansa ni Uncle! Agad akong umuwi para sabihin kay Auntie. Kaso, nakaalis na pala siya. Gamit ang de-keypad lang na cellphone, tinawagan ko siya at sinabi ang nangyari kay Uncle. Sinunod ko ang sabi ni Auntie na maghintay lang dahil iuuwi niya si Uncle. At nangyari nga. Agad akong lumabas nang marinig boses ni Uncle na tinatawag ako. Pero natigilan ako nang makitang hindi lang si Auntie ang kasama niya. Mas matanda si Uncle pero kung paano ang ngitian ng dalawa at mag-usap, parang magka-edad lang. “Si Charlie nga pala, ang pamangkin ko.” Ngumiti si Ronald. “Gusto ko siya, Richie.” Hinagod pa niya ako nang tingin bago tumingin sa tiyuhin. “Alam ko ang mga tingin na ‘yan, Ronald. Sinasabi ko sa ‘yo.” Tumawa nang malakas si Ronald. “Relax! Marunong akong tumupad sa usapan. Aalagaan ko ang pamangkin mo sa club. Okay? Malalaman mo naman ‘yan dahil doon din nagtatrabaho si Minda…” At doon nagsimula. Sinama ako ni Ronald nang araw na iyon. Pinatira niya ako sa isang bahay. Hindi lang ako ang naroon, mga babae rin na nagtatrabaho sa club. Sampu kaming naroon. At kahit na hindi ako magaling sumayaw, tinuruan ako sa bahay na iyon kung paano at kung ano ang mga gagawin. Sa totoo lang, kabado ako sa pinasok kong buhay ngayon. Pero sa pamamagitan nito, magiging ease na rin ang aking isipan dahil hindi na kailangang magnakaw ni Uncle. Hindi na matatakot si Auntie na makulong ito. Malaki naman raw ang kikitain kaya makakabayad na rin kami sa utang namin. Ang nakakalungkot lang, hindi na siguro ako makakatagpo ng lalaking magmamahal sa akin nang totoo kapag nalaman nilang isa akong dancer sa club. Mulat ako sa katotohanang madalas na nababastos ang mga gaya ko na trabaho…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD