Chapter 3: Take me

1615 Words
Charlie’s POV PABALING-BALING lang ako sa higaan ng mga sandaling iyon. Akala ko sosolohin ako ni Ayden, hindi pala. Hinatid lang ako sa tinutuluyan namin at iniwan. Ni hindi nga siya nag-iwan ng number, kaya paano ko siya makokontak? Wala rin siyang imik habang nasa biyahe kami. Unlike kay Nilo na nakikipag-usap sa akin para hindi ako mainip. Day off ko kinabukasan kaya nagpunta ako sa bahay nila Uncle. Nagdala ako ng grocery din para sa pang-ilang linggo nila. Ganito ako kapag walang pasok. Wala naman akong pupuntahan kaya dito na lang ako naglalagi. Naabutan ko silang nag-iinuman kasama ng mga barkada niya. “Painom at pakanton ka naman dyan, Charlie!” anang kapitbahy namin na si Lindon. Hindi niya kasing-edad si Uncle pero madalas silang magkainuman. Napilitan akong maglapag ng 500 pesod sa mesa nila. Kaya naman sumigla ang mga ito. Sobra na ‘yan. Pangpulutan na rin. Dumeretso ako sa kusina para ayusin ang grocery na pinamili ko, at pagkatapos ay nahiga na ako. Tulog na tulog si Auntie dahil may pasok siya mamaya sa club. Nahiga ako pagkapasok ko sa silid ko. Dahil hindi ako gaanong nakatulog ng madaling araw, mabilis akong hinayon ng antok. Hindi ko alam kung gaano na ako katagal matulog. Pero nagising ako dahil parang may humahaplos sa akin. Agad akong nagmulat dahil hindi ko gusto. Kinikilabutan ako dahil sa sobrang gaspang ng mga kamay niya. Nanlaki ang mata ko nang mapagsino iyon. Si Lindon! Ang nagbiro kanina na magpainom ako. “L-Lindon,” ani ko, sabay siksik ng sarili sa sulok. “Nagpainom ka na kanina. Ngayon, sigurado akong magpapakanton ka.” Sinabayan niya nang ngisi Hindi ko nahulaan kanina ang salitang kanton niya, akala ko, pancit kanton lang. Iba pala ang meaning niya. “Lumabas ka na, Lindon, kung ayaw mong sumigaw ako.” “Ano ka ba, Charlie. Magbabayad naman ako, e. Hindi nga lang kasinglaki ng mga binabayad nila para bayuhin ka.” Sumampa siya sa higaan ko kaya kinabahan na ako nang todo. “Hindi ako nagpapatira sa kanila, Lindon, kaya respetuhin mo ako kahit na sa club ako nagtatrabaho.” “Imposible, Charlie. Malaki ang ibinabayad nila tapos walang bayo? Kami nga sa tabi—tabi nakakarami, kahit magkano lang, pangkape, tapos sa inyo, hindi?” Napasigaw ako nang bigla niyang hawakan ang aking paa. “Charlie?” dinig kong tawag sa akin ni Auntie sa kabilang silid. Akmang sasagot ako nang bigla akong daganan ni Lindon at takpan ang bibig. Pero nagsusumigaw pa rin ako kaya may sound na inilalabas pa rin ang aking bibig. At pilit na inabot ko rin ang baso na nasa mesa kong maliit. Talagang naglalagay ako ng tubig sa aking silid kasi. Basta nakasanayan ko na ‘yan, noon pa. Basta may nagsabi kasi sa akin noon. Nakalimutan ko lang kung para iyon saan. Nagsimulang manginig ang katawan ko nang maramdaman ang dila niya sa aking leeg. Nakaramdam ako nang kilabot kaya pinilit ko pa ring magpumiglas, pero sadyang malakas siya. Bigla akong nandiri sa aking sarili. At sa bawat dampi ng dila niya sa akin, para bang minakarkahan na ako na isa ngang maduming babae ako. Siguro nga, ito na ang kapalaran ko. “Charlie, may problema ba?” Para bang papalapit ang boses niya. Hindi na gaya kanina na parang nasa silid. Dahil sa boses ni Auntie, nabuhayan ako ng loob. Inipon ko ulit ang lakas ko at pilit na inabot ang baso. Malapit na siya noon sa aking dibdib, kaya ramdam na ramdam ko na ang matinding takot. Hanggang sa maabot ko na ang baso. Pero bago ko pa man makuha iyon, may humampas na sa ulo ni Lindon. Mabilis na sumiksik ako sa kabilang side nang dumaing siya sa sakit. Kawali ba naman ang ginamit ni Auntie. “Walang hiya ka, Lindon! Anong ginawa mo kay Charlie?” pasigaw ni Auntie na tanong. Sinundan niya rin, nang hampas ulit sa ulo nito. “Ritchie! Tulong!” Hindi ko na alam kung ilang beses na sumigaw si Auntie. Basta ako, yakap-yakap ang sarili at umiiyak na sa sulok. Namalayan ko na lang, nagkakagulo na roon sa kwarto ko dahil sa pagdating ni Uncle Ritchie. Binugbog niya nang binugbog pala si Lindon. Saka lang ako nakabalik sa aking sarili nang marinig ang police mobile. Ayden’s POV Pagka-send ko ng picture namin ni Charlie sa account ni Demi, sumandal ako sa headboard ng kama ko. Ilang taon ko nang ginagawa ito pero wala man lang akong response na nakuha kay Demi. Kahit na anong pa-selos ko, wala man lang. Alam na rin ng common friend namin pero wala akong narinig. Maraming babae na akong ginamit para pagselosin siya, subalit nagbingi-bingihan lang siya. Hindi man lang sinasagot at mga tawag at text ko sa mga social media niya. Alam kong dahil kay Aireen at Gavriil kaya kami nagkahiwalay. Dahil ayaw niya siguro maipit kami sa dalawa. Pero hindi ba masakit? Ang sakit-sakit kaya sa dibdib, kaya ano pa sa kanya? “You’re hurting me so much, Demi…” ani ko. “Talk to me, please…” As if nasa harapan lang ang nobya. Alak ang nakapagpatulog sa akin nang gabing iyon. Late na rin kaya late akong nakapasok ng opisina. Kahit ano namang libang ko sa opisina, hindi mawala-wala sa isipan ko si Demi. Mahal na mahal ko siya. Kaya parang may kulang sa buhay ko ngayon. Sa nobya na kasi umikot ang mundo ko simula nang magkakilala kami. Ng sumunod na gabi, nagpunta ako sa bar. Gusto kong makita si Charlie. May anggulo kasi na hawig niya si Demi. Kaya gusto ko siyang tinitingnan kahit na sa malayo noon. “Sir Ayden,” nakangiting sabi ni Madam L nang salubungin ako. “Tell her na tumabi sa akin mamaya after niyang mag-perform.” “Wala ho si Charlie, e. Kung gusto mo po iba na lang. May kasingkatawan naman siya—” “Siya lang ang gusto ko, Madam L. Alam mo ‘yan.” “T-tatlong araw na po kasi hindi pumapasok si Charlie.” Napatigil ako sa paghakbang at hinarap siya. “Bakit hindi siya pumapasok?” “Ah— eh, may nangyari ho kasi sa bahay nila, kaya ayon, pinagpapahinga ko muna. Ayoko namang humarap siya sa ‘yo nang ganoon ang kalagayan.” Kumunot ang noo ko. “Ano bang nangyari sa kanya?” Napilitang ikwento sa akin ng matanda ang dinanas ni Charlie. Hiningi ko ang address ng dalaga, na agad namang binigay ng matanda. Sa laki ng binayad ko sa kanya, dapat lang na sundin niya ako. Huminto ako sa isang tindahan at tinanong ang address na iyon ni Charlie. Tinuro sa akin ng babae ang eskinta kaya napahilot ako sa noo ko. “Pwede po ba akong mag-park dito?” tanong ko mayamaya. Ayaw ko doon malapit sa eskinita, mahirap na, baka pag-trip-an ng kung sino. Hindi naman sa pagmamata, madalas na nasasangkot sila sa mga ganyang isyu. Tinawagan ko ang number ni Charlie pero walang sumasagot. Palalim na noon ang gabi kaya siguro hindi niya masagot. Pero gusto kong malaman ang nangyari sa kanya— I mean, gusto ko siyang makita. Nagpaalam ako sa matanda. Para mabantayan nang maayos, binigyan ko siya ng isang libo. Nagpasama rin ako sa apo niya na sampung taong gulang. Bumalik lang siya nang may nagbukas ng pintuan ng bahay nila Charlie. “Sir Ayden!” Gulat na gulat ang babae nang makita ako. Isa siya sa nag-assist sa akin sa bar. Hindi ko alam na iisa lang sila ng tinitirhan ni Charlie. “Magandang gabi. Si Charlie po? Maaari ko ba siyang makausap?” “Aba’y oo naman po. Pasok ho kuna kayo sa aming munting tahanan,” yakag niya. “Sandali po at tatawagin ko.” Saktong pagtalikod ng babae ang pagsilip ng isang lalaki. “Sino ka?” seryosong tanong niya. “Naku, Ritchie, bumalik ka na sa loob. Si Charlie ang binibisita niya.” “Narinig ko. Kaya nga tinatanong ko.” “Si Sir Ayden nga! VIP namin sa club. Kaya ‘wag kang ano dyan, huh?!” Hindi nakaimik ang tinawag na Ritchie. Pero sinuyod niya ako mula ulo hanggang paa. “Pasok ka,” aniya. Hindi kasi ako pumasok nang yayain ng babae. dahil nakarang siya. Hindi pa man ako nakakaupo sa maliit na sofa nila nang marinig ang boses ni Charlie. Wala na roon ang lalaki dahil pinapasok na ng asawa niya sa silid nila. “Sir Ayden!” Nilingon ko si Charlie. Nakasuot siya ng simpleng itim na bestida lang pero hakab sa katawan niya. Pero napalunok ako nang makitang bumakat ang dunggot niya. Wala pala siyang suot na bra man lang. Sabagay, nakahiga na siya siguro nang puntahan ng babae. Napasinghap ako nang bigla na lang niya akong yakapin nang mahigpit. Kasunod niyon ang pag-iyak niya kaya wala sa sariling hinaplos ko ang likuran niya. Lalo tuloy siyang umiyak sa ginawa ko. Siniksik niya rin ang sarili pa sa akin kaya naman ramdam ko ang dibdib niya. Aminado ako. Isa sa asset ni Charlie ang dibdib niya. Nakakailang lunok nga ako kapag nakikita iyon. Kasi madalas na suot niya kapag nagsasayaw ay ang halos iluwa na ang mamilog niyang dibdib. “C-Charlie,” ani ko na dahil parang may iba na akong naramdaman sa yakap niya. Parang ayaw niyang kumawala kaya hinawakan ko ang magkabilaang balikat niya para paglayuin ang aming katawan. “Bilhin mo na ako, Sir Ayden. Papaligayahin kita sa paraang gusto mo. Please? Ayoko nang magtrabho sa club… Ayoko na roon… nagmammakaawa ako...” pagmamakaawa niya nang mag-angat nang tingin sa akin. “Sayong-sa’yo na ako… Please, Sir Ayden…” ulit niya na ikinaawang ko na lang ng labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD