Lost Chapter #24 Sa isang makulimlim na araw, dahan-dahan binaba ang parehong labi ng magulang ni Eunice sa hukay, habang hina hagisan ng mga bulaklak na may iba’t ibang kulay at uri. Iyak paren ng iyak si Eunice habang ang iba namang naki ramay ay naka simangot lamang. Na andoon din ang pamilya ni Dylan, si Kenneth at ang kasintahan niyang si Dylan. Bumuhos na ang ulan at isa-isa nag si alisan ang mga naki ramay, “halika na,” yaya sa kanya ni Dylan. Pero umiling na lamang siya gusto pa niya makita hanggang sa maisara at malagyan ng lapida ang labi ng mga magulang niya. “Hayaan mo muna siya,” wika naman ni Tiara. Iniwan na lamang nilang mag isa si Eunice. Basang basa, nang hina at hindi paren makapaniwalang makitang ililibing ang magulang niya. ka sabay ng pag buhos ng ulan ang mga luha