Lost Chapter #28 Malamig, malamig ang hangin, may malakas na kulog galing sa langet, madilim na kalangitan, mag iilaw lamang sa tuwing tatama ang kidlat sa lupa, kakaiba ang simoy ng hangin na animoy may dilupyong paparating at kailangan itong pag handaan. Dahan-dahan na dumilat ang mata ni Eunice, nang maidilat na niya ang mga mata at bumaba ang tingin niya. Agad siyang napa kapit sa pader kong saan siya naka tayu at dinikit ang katawan doon. Rinig niya ang mabilis niyang pag hinga, kabog ng kanyang dibdib at takot na takot na baka siya’y malaglag. Tanging paa lamang niya ang naka tapak sa naka usling pirasong bricks ng gusali. Takang taka siya kong bakit siya naka labas ng silid niya samantalang tulog na tulog siya doon at binabantayan ng binatang si Dylan. Bumaba muli ang tingin niya