Lost Chapter #5
Hindi maka hinga si Eunice at gusto na niyang puma ibabaw sa tubig. Hindi na niya mapigilan pang at kaunti na lamang bubuka na ang bibig niya. Hindi siya maka angat dahil may harang sa aangatan niya, nasa loob din siya ng kwarto at nilagyan na lamang ang tubig ang buong kwarto para malunod siya. “Eunice! Eunice! Eunice!” hinahanap niya kong saan nang galing ang pamilyar na boses na tumatawag sa kanya, “Eunice! Eunice! Eunice!” tawag naman siya nahirapan na siya sa kanyang kalagayan ng mga oras na yun. Hanggang sa bumuka na ang bibig niya at pumasok na ang tubig sa buo niyang katawan para malunod.
“Eunice,” gising sa kanya ni Dylan at una niyang nakita nang magising siya sa masamang panaginip. Agad niyang yinakap ang binata na yinakap din siya, “ayus ka lang ba?” Hindi muna sumagot si Eunice at naka yakap lang sa binata, “anu bang nangyare sayu nang wala ako?”
Lumayo si Eunice, umupo at tumayo naman si Dylan sa harap niya. Nag taka siya sa tanung ng binata sa kanya, “bakit may kailangan bang mangyare sa akin nang wala ako?”
Nilayu ni Dylan ang tingin sa dalaga at nag lakad papalapit sa bintana para umalis na. “Mukhang ayus kana man na, aalis na ako, mag kita pa naman tayu mamaya at bumalik kana sa pag ka tulog mo.”
Napa tayu na rin si Eunice at agad na pumasok sa kanyang isipan na may lihim na tinago sa kanya ang binata, “may kailangan ba akong malaman?” natigilan si Dylan at naka talikod paren sa dalaga, “nakita muna ang nangyare sa akin. Palagi na lang akong na gising ng ganito simula nang mangyare ang lahat noong bakasyon at nung maging katulad na kita. Na gising ako sa takot, na wala ka man lang sa tabi ko, na wala man lang yung pwede kong pag kwentuhan, yung katulad ko, kase wala ka,” dahan-dahan na pumatak ang mga luha ni Eunice dahil sa sakit at naramdaman niya sa mga oras na yun na ngayun lang lumabas.
Humarap si Dylan na saktan siya nang makitang umiyak ang dalaga. Gusto niyang sabihin ang nalaman niya pero lalo lang lala ang lahat, “hindi mo ako maintindihan.”
“Paanu kita maintindihan kong hindi mo sasabihin? Sana naman maging open ka din katulad ko para sayu. Hindi yung ganito na palagi na lang akong nag aalala sa mga bagay, alam mo sa tagal mo at hindi ko alam kong anung nangyare sayu maraming nag bago.”
Huminga ng malalim si Dylan, “hindi mo pa kase alam ang lahat, aalis na ako mag kita na lang tayu mamaya pag sundo ko sayu.” Tuluyan nang umalis si Dylan, gusto pa sana sabihin ni Eunice ang naramdaman niya sa binata pero hindi na rin niya nagawa. Hindi na rin siya naka tulog, ang dami namang pumasok sa kanyang isipan, kong anu ba talaga ang tunay na nangyare kay Dylan nang hindi sila nag kita at kong may mangyare na namang bang hindi maganda.
Dumating ang umaga na naligo at nag bihis na lamang siya ng damit. Pag baba niya na andoon nakita ang magulang niya na kausap ang binatang si Dylan, “oh na saan na yung mga gamit mo?” tanung ng ina niya sa kanya.
“Hindi na akong mag dadalaw ng gamit, dala ko naman yung atm card ko bibili na lang ako ng iilang damit sa daraanan namin at mukhang hindi naman ako mag tagal sa kanila.” Sabe niya sa mga ito dahil isang shoulder lamang ang dala niya. Hindi naman na siya tinanung pa ng kong anu ng kanyang mga magulang. Nang maka sakay na sila Dylan at Eunice nang pag tapos nilang mag paalam ay nilamon lang sila ng katahimikan sa loob ng kotse.
“Eunice,” mahinang tawag sa kanya ng binata sa kanya. Pero ni hindi man lang lumingon ang dalaga sa binata. Na inis paren siya sa binata, dahil sa pagiging ma lihim nito at pakiramdam niya parang hindi siya nito naintindihan.
“Na inis ako sayu dahil sa nine months na wala ka, bigla kang babalik na parang walang nangyare at parang wala akong mag hintay sayu.”
“Akala mo lang, araw-araw kang nasa isip ko, pero ang dami kong ginagawa at problema.”
“Edi sabihin at least naka tulong lang naman ako sa problemang meron ka. Pag wala akong ma gawa sayu na isip ko tuloy, wala akong kwenta.”
“Eunice wag kang mag---”
“Mag maneho ka na lang,” seryosong saad ni Eunice at narinig na lamang ang pag andar ng makina nang kotse. Sa buong biyahe tahimik lamang sila, lalo na pagkain sila sa mga stop at hanggang sa makarating na sila sa mismong Bicol. Naalala niya nang mga araw na nag ka roon sila ng tour noon, na sinugod sila ng aswang at siya lamang ang natira. Pag hirap niya maka balik lang sa Manila at ang pag tulong ng binata sa kanya. Kalahating araw na lang at malapit na silang makarating sa mansyon ng binata.
Kong noon nang tatapusin na nila ang problema ay takot na takot siyang bumalik sa Bicol, dahil sa mga aswang, pero ngayung hindi na niya kailangang matakot dahil isa na siya sa mga aswang at wala na sa kanyang hahabul para kainin ang lamang loob niya. Ni hindi man lang siya lumingon sa puwesto ni Dylan habang ito’y nag maneho. Pero si Dylan pa minsan-minsan ay pa lingon-lingon sa kanya kong ayus lang ba ito o hindi.
Nag aalala din sa kanya ang binata pero hindi lang ito makapag salita dahil sa pag talo nila. Naramdaman ni Dylan kong paanu ang malayu sa mahal pero alam niyang may tampo lang sa kanya ang dalaga. Wala pareng nag salita sa kanila hanggang sa makarating na sila sa mansyon nila Dylan. Unang bumaba si Eunice nang ma i-park ang kotse, napa takbo naman si Daniel na naka batang kapatid ni Dylan, para yakapin siya at halikan.
Ganun din ang ginawa niya, “na miss kita ate, ngayun ka lang naka pasyal uli, wala tuloy akong ka laro at kasamang kumain ng mga chocolate ko.”
Napa ngiti naman si Eunice at nakalimutan ang pag talo nila ni Dylan kanina, “gagawin uli natin yun.”
“Kumusta na?” bungad naman sa kanya ni Kenneth na ngayun ay kasintahan ng kapatid ni Dylan na si Tiara. Mula nang maisipan ng dating pulis na umalis na sa serbisyo, ay naging aswang slayer naman siya kahit na hanggang ngayun wala naman siyang naka laban at tumira na rin kasama ng pamilya ni Dylan. Kaya may mga alam siya sa mga bagay na lihim ng binata at kong bakit ito nawala ng matagal.
“Ayus lang,” sagot naman ni Eunice, humarap naman ang dalaga sa mga magulang ng binatang naka ngiti sa kanya.
“Buti naman ay pinayagan ka ng magulang mo?” tanung ng nanay ni Dylan.
“Oo nga---”
“Oh Dylan saan ka pupunta?” tanung naman ni Kenneth nang biglang umalis sa kanilang harapan ang binata at na una nang pumasok sa loob. Lahat naman sila ay napa kay Eunice, “anung nang yare doon at mukhang hindi naka kuha ng isang halik sayu?” tanung ng dating pulis na may halo pang biro.
“Pagod lang po yun,” sabe naman ni Eunice saka sila sabay-sabay na pumasok sa loob ng mansyon.