CHAPTER 51

2689 Words

HALOS hindi ako makatulog ng dahil katabi namin si Marcus sa kama. Yakap ni Angelita si Marcus at yakap naman ako ni Marcus. May aircon naman ang kuwarto namin pero naiinitan pa rin ako. “Mabuti pa sila ang himbing ng tulog,” bulong ko. Dahan-dahan kong inalis ang kamay ni Marcus, tapos bumangon ako. May sariling banyo ang lahat kuwarto namin, kaya dumiretso ako sa banyo para umihi. Tulog pa rin sila nang lumabas ako ng banyo kaya naisipan kong lumabas para uminom ng gatas. Halos nangalahati na ang gatas sa baso nang bumukas ang pinto ng kuwarto at lumabas si Marcus. Mabilis kong iniwas ang tingin sa kanya dahil nakasuot lang siya ng puting sando at shorts. Makikita ang ganda ng katawan niya at ang mga muscle niya. “Marcus, bakit nagising ka na?” tanong ko ng hindi sa kanya tumitingin.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD