NAGISING ako na wala sa tabi ko si Marcus. Akala ko ay nasa labas lang siya at kumakain ng almusal kaya hindi ko siya hinanap. Dumiretso ako sa banyo para maligo bago lumabas ng kuwarto. Ganito ang routine ko sa umaga. Gusto kong malinis na ako bago lumabas ng kuwarto. Nawawala kasi ang lahat ng katamaran ko kapag nakaligo na ako. Nang matapos akong maligo. Ginising ko naman si Angelita para maligo na rin dahil pupunta kami sa school niya ngayon. Hinanda ko na rin ang mga kailangan dalhin para mamaya. “Mommy, si daddy bakit hindi ko nakita?” tanong niya habang binibihisan ko siya ng damit “Baka naunang magising at kumakain ng almusala.” “Pero pupunta siya mamaya sa school?” Ngumiti ako. “Anong pangako sa iyo ng daddy mo?” “Sasama siya sa family day sa school.” “Hmm.. Baka nasa laba