CHAPTER 66

2348 Words

CHERRY’S POV “MOM!” Niyakap ko ng mahigpit si mommy ng makauwi siya galing sa bakasyon. Nang mag-piyansa siya ay nagbakasyon siya sa probinsya habang nagpapatuloy ang kaso niya. Hindi nakipag-areglo si Ryan at ang lalaking nagsampa sa kanya ng kaso. Dahil sa stress niya ay nagbakasyon muna siya. “Cherry!” Mahigpit niya akong niyakap. “Mommy, kumusta ang bakasyon mo?” “Okay naman.” “Bakit malungkot kayo?” “Hindi ko na kasi makikita si Chad.” Sumimangot ako. “Huwag n’yo ng isipin ang bata na ‘yon. Magkakaroon na kayo ng bagong apo.” Hinawakan ko ang tiyan kong malaki na. “Anong gender ng anak mo?” “Hindi ko pa alam.” Kumunot ang noo ni Mommy. “Bakit hindi mo pa alam?” “Gusto kong kasama ka magpa-congenital anomaly scan. Gusto kong makasigurado na malusog ang baby namin ni Marcus.”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD