CHERRY’S POV “Good morning!” ang tamis ng ngiti ko ng makita ko si mommy. “Mukhang maganda ang gising mo?” Tumango ako. “Hindi ako pinahirapan ng anak ko kanina ng magising ako.” “Hindi ka nagsuka?” Tumango ako. “Mukhang unti-unti ng mawawala ang paglilihi mo.” “Okay lang kahit maglihi ako ng matagal basta para sa anak namin ni Marcus.” Hinimas ko pa ang tiyan ko. “Kumain na tayo dahil magpapa-check up tayo sa OB-Gyne.” “Thank, Mom.” “Gigisingin ko lang si Chad.” Kumunot ang noo ko. “Bakit n’yo siya gigisingin?” “Isasama natin.” “Mom, mamalasing tayo kapag sinama natin ang bata na ‘yon.” “Cherry.” “Kung gusto n’yo siyang sumama hindi na lang ako magpapa-check up.” Bumuntong-hininga si mommy. “Okay, ikaw ang bahala.” Nauna akong dumiretso sa kusina para kumain ng almusal. Su

