ISANG malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Alex nang huminto ang sasakyang lulan niya sa tapat ng isang malawak na gate ng eskuwelahan ni Charlotte, kung saan sa labas niyon ay may nakapaskil na ‘University of Saint Maddison. At hindi pala nakaligtas kay James ang pagbuntong-hininga niyang iyon. Ito ang nag-drive at naghatid sa kaniya imbes na si Mang Jopoy. Espesyal daw kasi sa kaniya ang araw na iyon dahil first day of class niya. “Nervous?” Naramdaman ng dalaga ang paghawak nito sa kamay niya kaya napabaling siya rito. Medyo nalito siya sandali dahil parang may mali. Paano nalaman ng binata na kinakabahan siya? Hindi ba dapat ay iisipin nito na excited siya kung siya talaga si Charlotte dahil makikita at makakasama na niya uli ang mga kaibigan niya? Nakangiti na umiling