“Dad. You have to step down from the company. Or I’ll-----“ “Or what Zyrene?” Her father looked at her furiously. “Wag mong sabihin na nagkaroon ka na ng lakas ng loob na kalabanin ako mula ng magkarelasyon ka dun sa tomboy-----“ “Dad! Anong kinalaman ng relasyon ko kay Carmela sa sitwasyon natin!?!” Frustrated na napabuga siya ng hangin. Umupo siya sa harap nito. Nasa loob sila ng opisina nito ngayon and she was really trying to lower down her voice. Ayaw niyang may makarinig pa sa usapan nilang mag ama. “You are hurting the company’s reputation. Kapag natapos ang pag i-imbestiga nila. Malalaman din nila na kayo ang may pakana ng lahat ng ito!” Natigilan ang Dad niya. Tiningnan siya nito na parang hindi ito makapaniwala sa sinabi niya. “Y-You knew?” Marahang tumango siya.